Filipino
Ang alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 letra. May dalawang uri ito, ang patinig na binubuo ng 5 letra at ang katinig na may 23 letra. Ang mga Patinig ay ang A E I O U Ang mga Katinig at ang B C D F G H J K L M N Ñ NGng P Q R S T V W X Y Z Ang Pantig ay binubuo ng katinig at patinig. Halimbawa: m + a = ma Ang salita ay binubuo ng mga pantig. Halimbawa: ma + ta = mata Anyo ng Salita Payak - kung salitang-ugat lamang Maylapi - kung may panlaping isinagdag sa salitang-ugat. Halimbawa: payat - payak na anyo; baguhan - maylapi Ang mga kambal-katinig ay dalawang magkasunod na katinig sa loob ng isang pantig. Ito ay maaring nasa unahan o nasa gitna ng salita. Halimbawa: Bl usa Ang paghihinuha ay isang kasanayan sa mapanuring pag-unawa. Ito ay ang pagsasabi ng sariling palagay o opinion. Halimbawa: Mahusay ang nagging talakayan ng klase Ano ang maaaring sumunod n...