Pilipino

KATANGIAN NG PILIPINO

1. Maitim at kayumanggi
2. Mapuputi
3. Katamtaman ang taas
4. Matangkad at pandak
5. Ang buhok ay tuwid at kulot
6. Mga matang singkit o bilog
7. Mga ilong na matatangos at pango

PAMILYANG PILIPINO

1. Tatay - siya ang haligu at gumagabay sa aming paglaki.
             - Simbolo ng tapang at lakas. 
             - Mga pangangailangan, kanyang tinutugunan.

2. Nanay - ilaw ng tahanan.
               - tunay na mapagmahal at maunawain

3. Kuya - maginoo. Sa lahat ng pagkakaton, tulong niya'y maasahan.
             - ipagtatanggol ka sa lahat ng tao.
             - pangalawang tatay

4. Ate - katulong ni nanay sa mga gaaing-bahay
          - ang nag-aalaga kay bunso kapag wala ang nanay

5. Bunso - nagpapasaya ng tahanan 

TAHANAN NG PAMILYANG PILIPINO

  1. Sala -- dito tinatanggap ang mga bisita
  2. Kusina -- dito niluluto ang mga pagkain. Dito rin hinuhugasan ang mga baso, plato, at kutsara. Gayundin ang iba pang gamit sa pagluluto at pagdulog ng pagkain.
  3. Hapag-Kainan -- dito kami kumakain ng agahan, tanghalian at hapunan
  4. Silid-tulugan -- dito natutulog at nag papahinga
  5. Banyo - dito naliligo 

PANGANGAILANGAN NG ISANG PAMILYA

  1. Pagkain -- ito ang pangunahing pangangailangan ng isang tao. Kailangan nila araw-araw ng sapat at wastong pagkain.
  2. Kasuotan -- ito ang kanilang proteksyon sa init at lamig. May iba't ibang klase ng damit, mayroon para sa tag-init, tag-lamig, at tag-ulan. 
  3. Tirahan -- ito ang silungan para hindi mabasa o mainitan. 


Source:
Pilipinas bansa natn kinder 2
Author: Marina N. Tawag

Comments

Popular posts from this blog

Basketball Hand Signals

Uhaw ang Tigang na Lupa- Liwayway A. Arceo

White Dots