Mangyan


Image result for mangyan
Ang mga Mangyan ay isang pangkat etniko ng mga Pilipino sa Pilipinas. Ang katawagan sa kanila na Mangyan ay may kaugnayan sa salitang magus at majika dahil may karunungan sila tunkol sa ilang salamangka gaya ng lumay at kulam. Naninirahan sila sa mga liblib na pook ng Mindoro. Itinuturing silang isa sa mga "mahiyaing tribo". Kayumanggi ang kanilang kulay, itim ang buhok, may maanmong mata at katamtaman ang tangkad. May iba't ibang tribu ng Mangyan. Tinatawag na Hanuno ang isang grupo ng Mangyan na ang ibig sabihin, sila ang tunay na Mangyan. 

Kumukuha sila ng ikinabubuhay sa mga kagubatan, pangisdaan at kalakalan sa Mindoro. Sa kasalukuyan, sinauna pang alpabeto ang gamit sa pagsulat ng mga pagpapantig. Ang ambahan ang kanilang natatanging panitikan na kanilang napanatili sa pamamagitan ng pag-ukit nito sa mga kutsily, mga kagamitan at sa mga lukas o lalagyan ng nganga. Ang mga Alangan o Mangyan sa hilaga ang purong Mangya. Mayroon silang tipong Negrito. Sa mga kasukalan ng Mindoro sila nananahanan at kamote ang kanilang pangunahing pagkain.

Comments

Popular posts from this blog

Basketball Hand Signals

Uhaw ang Tigang na Lupa- Liwayway A. Arceo

White Dots