Posts

Showing posts from June, 2011

Jose Rizal

Image
Name: Jose Protasio Rizal Mercado y Alsonso Realonda Born: June 19, 1861 at Calamba, Laguna, Philippines Parents: Teodora Alonzo and Francisco Mercado Death: December 30 1896 at Bagumbayan (Rizal Park) Organization: La Solidaridad and La Liga Filipina Si Dr. Jose Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na lumaban sa mga kastila sa pamamagitan ng kaniyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo noong panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa. May angking pambihirang talino, siya ay hindi lamang isang manunulat ngunit isa ring magsasaka, manggagamot, siyentipiko, makata, imbentor, iskultor, inhinyero, kuwentista, lingguwista, at may kaalaman sa arkitektura, kartograpiya, ekonomiya, antropolohiya, iktolohiya, etnolohiya, agrikultura, musika (marunong siyang tumugtog ng plawta), sining sa pakikipaglaban (martial arts), at pag-eeskrima. May palayaw sya na Pepe at siya ay ang ika-pito sa labing-isang anak ANG AMA Si Francisco Engracio Rizal