Posts

Showing posts with the label Filipino

Filipino

Ang alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 letra. May dalawang uri ito, ang patinig na binubuo ng 5 letra at ang katinig na may 23 letra. Ang mga Patinig ay ang A E I O U Ang mga Katinig at ang B C D F G H J K L M N Ñ NGng P Q R S T V W X Y Z Ang Pantig ay binubuo ng katinig at patinig. Halimbawa: m + a = ma Ang salita ay binubuo ng mga pantig. Halimbawa: ma + ta = mata Anyo ng Salita Payak - kung salitang-ugat lamang Maylapi - kung may panlaping isinagdag sa salitang-ugat. Halimbawa:  payat - payak na anyo; baguhan - maylapi Ang mga kambal-katinig ay dalawang magkasunod na katinig sa loob ng isang pantig. Ito ay maaring nasa unahan o nasa gitna ng salita. Halimbawa:  Bl usa Ang paghihinuha ay isang kasanayan sa mapanuring pag-unawa. Ito ay ang pagsasabi ng sariling palagay o opinion. Halimbawa:         Mahusay ang nagging talakayan ng klase         Ano ang maaaring sumunod n...

Pilipinas

Image
Ang bansang Pilipinas ay isang kapuluan. Ang Pilipinas ang ikalawang pinakamaling kapuluang mattagpuan sa rehiyong Timog-silangang Asya sa gawing itaas ng ekwador. Tinagurian ang Pilipinas bilang "pintuan ng Asya" dahil sa kinalalagyan nito sa pasipiko at bilang bahagi ng kontinente at lupalop ng Asya. Nasa pagitan ito ng 4º - 21º hilagang latitud at 116º - 127º silangang longhitud. Ito ay binubuo ng 7,107 mga pulo. Ang lawak nito ay umaabot sa 300 000 kilometro kuwadrado. May 1851 kilometro ang haba mula sa hilaga patimog at umaabot naman sa 1107 kilometro ang lawak nito mula sa kanluran pasilangan. Ang ibig sabihin, ito ay napaliligiran ng tubig. Nahahati ang Pilipinas sa tatlong malalaking bahagi. Pagmasdan mo ang larawan sa ibaba. Ang Luzon, Visayasa, at Mindanao ang tatlong malalaking bahagi. Ang mga ito ang tatlong pangunahing pulo sa ating bansa Iba't ibang anyong tubig ang nakapalibot sa Pilipinas. Sa hilagang bahagi ng bansa makikita ang Bashi Chan...

Paaralan

Ang paaralan ang pangalawang tahanan ng mga batang mag-aaral. Dapat pumasok sa paaralan upang lumaking matalino ang mga mag-aaral. Kailangang magsikap sa pag-aaral para matupad ang mga pangarap Dapat igalang, mahalin, at pangalagaan ang ating paaralan. NANGANGALAGA SA PAARALAN Direktor o Prinsipal - ang namumuno sa paaralan.  Guro - tumatayong pangalawang magulang. Sila ang tumutlong at sumusubaybay upang mapaunlad ang kakayahan ng mga bata. Sila ay tunay na masipag at matiyagang magturo. Nagtuturo sya sa mga batang bumasa at sumulat Guidance Counselor -  siya ang dapat lapitan kung may problema.  Doktor at School Nurse -  kapag ikaw ay may sugat o di kaya'y nagasgasan ang balat, sa klinika mo sila makikita at ikaw ay gagamutin. Ang doktor  ang gumagamot sa mga batang maysakit. Guwardya  - siya ay mahigpit pagdating sa pagdisiplina. Siya ang nagbabantay sa paaralan.  PARTE NG PAARALAN Silid-Aralan - dito nag-aaral ang mga ba...

Pamayanan

Ang pamayanan  ay binubuo ng mga mag-anak na Pilipino. Dito sila nakatira at namamalagi. Ang pamayanan ay ang mga sumusunod Pansakahan  - ang mga tao ay nakatira sa bukid at taniman. Karamihan dito ay mga magsasaka. Ito ang pangunahing hanapbuhay nila.  Pangisdaan  - ang pamayanang ito ay nasa tabi ng mga ilog at lawa. Ang pangunahing hanapbuhay rito'y pangingisda.  Rural  - may ilang gusali at sasakyan, ngunit hindi kasindami ng nasa pamayanang urban. Urban  - dito makikita ang malalaking gusali at maraming sasakyan. Mga malalaking tindahan at pamilihan. Ang buhay rito ay higit na maunlad kaysa sa lalawigan. Mga malalaking negosyo ay dito rin matatagpuan.  SINO-SINO ANG NAKATIRA SA PAMAYANAN? Magsasaka -  Sila ang nagtatanim ng palay, gulay, at halaman.  Mangingisda -  ang humuhuli ng isda, pusit, hipon at alimasag. Gayundin ng iba pang produkto galing sa tubigan.  Mananahi  - ang nanahi ng kasuot...

Pilipino

KATANGIAN NG PILIPINO 1. Maitim at kayumanggi 2. Mapuputi 3. Katamtaman ang taas 4. Matangkad at pandak 5. Ang buhok ay tuwid at kulot 6. Mga matang singkit o bilog 7. Mga ilong na matatangos at pango PAMILYANG PILIPINO 1. Tatay - siya ang haligu at gumagabay sa aming paglaki.              - Simbolo ng tapang at lakas.               - Mga pangangailangan, kanyang tinutugunan. 2. Nanay - ilaw ng tahanan.                - tunay na mapagmahal at maunawain 3. Kuya - maginoo. Sa lahat ng pagkakaton, tulong niya'y maasahan.              - ipagtatanggol ka sa lahat ng tao.              - pangalawang tatay 4. Ate - katulong ni nanay sa mga gaaing-bahay           - ang nag-aalaga kay bunso kapag wala ang nanay 5. Bunso - nagpapasaya ng tahana...

Mangyan

Image
Ang mga Mangyan ay isang pangkat etniko ng mga Pilipino sa Pilipinas. Ang katawagan sa kanila na Mangyan ay may kaugnayan sa salitang magus at majika dahil may karunungan sila tunkol sa ilang salamangka gaya ng lumay at kulam. Naninirahan sila sa mga liblib na pook ng Mindoro. Itinuturing silang isa sa mga "mahiyaing tribo". Kayumanggi ang kanilang kulay, itim ang buhok, may maanmong mata at katamtaman ang tangkad. May iba't ibang tribu ng Mangyan. Tinatawag na Hanuno ang isang grupo ng Mangyan na ang ibig sabihin, sila ang tunay na Mangyan.  Kumukuha sila ng ikinabubuhay sa mga kagubatan, pangisdaan at kalakalan sa Mindoro. Sa kasalukuyan, sinauna pang alpabeto ang gamit sa pagsulat ng mga pagpapantig. Ang ambahan ang kanilang natatanging panitikan na kanilang napanatili sa pamamagitan ng pag-ukit nito sa mga kutsily, mga kagamitan at sa mga lukas o lalagyan ng nganga. Ang mga Alangan o Mangyan sa hilaga ang purong Mangya. Mayroon silang tipong Negrito. Sa mga kasuk...

Lapu-Lapu

Si Lapu-lapu ang pinuno ng Mactan na namuno sa pangkat na nakipaglaban at pumatay kay Magellan. Lubhang mahalaga ang pagwawagi ni Lapu-lapu kay Magellan. Napatunayan nito na hindi lahat ng Pilipino ay sang ayon sa pananakop ng mga dayuhan. Ang Magulang ni Lapu-lapu ay sina Kusgano at Inday Putti ngunit walang naitala  tungkol sa kapanganakan ni Lapu-lapu. Nag pakasal siya kay Prinsesa Bulakna na anak ni Datu Sabtano. Sila ay biniyayaan ng isang anak na pinangalanan nilang Sawili. Dahil may matagal nang alitan sa pagitan nina Zula at Lapu-lapu, inalok ni Zula na labanan niya si Lapu-lapu kung bibigyan lamang siya ni Magellan ng kawal. Ngunit tumangi si Magellan sa alok ni Zula at minabuti niyang siya na mismo ang makipaglaban kay Lapu-lapu. Kasama ang kanyang 100 tauhan, nilusob ni Magellan ang Mactan noong Abril 27, 1521. Sa labanang naganap, natalo ng pangkat ni Lapu-lapu ang mga Espanyol at natalo nya si Magellan nang tamaan niya ito sa kaliwang binti at sa huli at pinatay ni Lap...

Panahon ng Espanyol

Ang tinaguriang Kipot ni Magellan ang nagpasimula ng matagumpay na paglalakbay ni Ferdinand Magellan sa Pilipinas. Ang kahalagahan ng pulitika at ekonomiya sa Pilipinas ang umakit sa mga Espanyol upang sakupin ang Pilipinas. Kristiyanismo ang pinakamalaking impluwensya sa atin ng mga Espanyol. Si Ferdinand Magellan ang nakahanap ng bagong ruta patungong Silangan. Nagkaroon ng sanduguan sina Raja Kolambu at Magellan sa Limasawa upang ipakita nila ang kapayapaan at pakikipagkaibigan sa halip na digmaan. Si Raja Humabon ang pinuno ng Cebu na nakipagsanduguan kay Magellan. Si Humabon ang unang sa mga katutubong hari ng Pilipinas. Si Miguel Lopez de Legazpi ay matagumpay na nakapagsimula sa pirmihang paninirahan sa Pilipinas. Nagtagumpay si Legazpi sa pananakop ng Pilipinas dahil may dala sa makabagong sandata MAHAHALAGANG PETSA AT LUGAR SA KASAYSAYAN NI MAGELLAN Marso 16 1521 , dumaong sa pulo ng Homonhon ang pangkat ni Magellan Marso 31, 1521  Sa baybayin n...

Buhay ni Ferdinand Magellan

Image
FERDINAND MAGELLAN BIRTH: FEBRUARY 3 1480 DEATH: APRIL 27, 1521 FULL NAME: Fer não de Magalhães SPOUSE: Maria Caldera Beatriz Barbosa  NATIONALITY: Portuguese, Spanish PARENTS:  Rodrigo de Magalhães ,   Alda de Mesquita Si Ferdinand Magellan  (1480 - 27 Abril 1521) ay isang eksplorador na Portuges nanaglayag para sa Kaharian ng Espanya. Siya ang kauna-unahang nakapaglayag mula sa Europa pakanluran tungo sa Asya, ang unang Europeo na nakatawid ngKaragatang Pasipiko,at angnamuno ng unang ekspedisyon para sa sirkumnabegasyon ng daigdig. Bagaman nasawi siya laban sa pwersa ni Lapu-Lapu sa pulo ng Mactan sa Pilipinas,labinwalo sa kanyang mga tripulante at isang barko ang nakabalik sa Espanya noong 1522, at natupad ang pangarap na paglibot sa buong mundo. Isinilang si Magellan sa Sabrosa, Portugal noong taong 1480. Pumanaw ang kanyang magulang nung sya ay sampung taong gulang pa lamang. Sa edad na dose, naging pahe siya ng Haring João II at Reyna Eleonora...

Filipino Lectures

2 Uri ng Pagpapahayag Pasalita 3 salik kung paano nakapagsasalita ang tao Enerhiya - ang pinanggalingan ng lakas Artikulador - kumakatal or nguminginig na bagay Resonador - patunugan Pasulat Katon - lumang alphabet Kartilya - sa kastila alphabet 8 na hiram na titik ay ang c, x, f, z, v, ñ, q, j Ponema - makabuluhang tunog 4 NA BAHAGING MAHALAGA SA PAGBIKAS NG TUNOG Dila at panga Ngipin at labi Matigas na ngala-ngala (itaas) Malambot na ngala-ngala (likod) Diptonggo  aling mang pantig na sinusundan ng malapatinig na W at Y, sa loob ng isang pantig ay tinuturing na diptonggo Laging nasa huli Aw -- bahaw, lugaw, kantyaw Iw -- giliw, aliw ow - bow Klaster puwede -->  pu-we-de ewan --> e-wan baba --> ba-ba Inisyal PL - plasa, pluma, plaka, plantsa, plato Hulihan YK - keyk, peyk, bayk Tono  -- may intuition Antala -- pinaghihiwalay ng kama (,) PANGHIHIRAM NG SALITA Nanghihiram tayo ng salita upang...

Bakit Tagalog ang Pinagbatayang Wikang Pambansa?

Madaling Maintindihan, Maunawaan at mapag-aralan ang Wikang Tagalog Maraming Kahawig na salita Sentro ng kalakalan ang maynila Nagtataglay ito ng Mayamang talasalitaan

Kasaysayan ng Wika Pambansa ayon sa mga batas at kautusan

1935 - Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Saligang Batas Dahil sa mga pagkakaiba-iba ng mga wikang ginagamit ng mga Pilipino, nahihirapan silang makapag-ugnayan sa isa't isa. Sila ay nagkakaroon ng mga suliranin sa pagbubuklod-buklod at pagkakaisa. Ito ang dahilan kung bakit sa Saligang-Batas o Konstitusyon noong 1935 ay nagtadhana ng tungkol sa Wikang Pambansa na ito ang isinasaad: "Ang kapulungang Bansa ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapairal ng isang wikang pambansa na batay sa mga umiiral na katutubong wikain." OKTUBRE 27,  1936 Sa National Assembly dineklara ni Manuel Quezon ang Surian ng Wikang Pambansa. NOBYEMBRE 9, 1937 Ang tagalog ang siyang gawing saligan ng wikang pambansa NOBYEMBRE 13, 1937 Ang unang Pambansang Asembley ay nagbuo ng Instituto ng Pambansang Wika. Ito ang pumili sa Tagalog bilang pababasehan ng bagong wikang pambansa. Noong 1961, and wika ay nakilala sa pangalang Pilipino, at sa bandang huli ay napalitan ng Filipi...

Wika

Ang Wika  ay ang salitang ginagamit ng isang bansa, ito ay nakasulat ng paarbitraryo. Pangulong Manuel Luis Quezon - Ama ng pambansang Wika Jaime de Vegra - tagapangulo ng Surian ng Wikang Pambansa. KAHALAGAHAN NG WIKA Ang wika ay sagisag ng isang bansa Ginagamit ito sa pakikipagtalastasan Ginagamit ito sa pagtuklas ng kaalaman Mahalaga ang wika para sa pagkakaisa ng mga tao sa bansa Nasasailalim sa wika ang mga pilosopiya, kultura, karunungan, pangarap, moralidad, at kaugalian ng mga mamamayan.  Nalilikha ng wika ang kaisipan at ang sarili Nagagawang palitan ng wika ang kilos ng mga ideya at palagay Ang wika ay katotohanan. ANTAS NG WIKA Kolokyal -- ito ay kadalasang Ingles. Halimbawa: Shampoo, Babyface Lalawiganin -- maraming ibig sabihin ng isang salita. Halimbawa: Basa -> Wet or Read Balbal -- mga salitang bading o kalye. Halimbawa: Ermat, Erpats Pampanitikan -- malalalim na salita. Linggwistika  ay ang nakakapagsalita ng higit sa isan...

Kahulugan ng Komunikasyon

Image
Ang komunikasyon ay isang wika. Mayroon tayong 5,000 dialect sa buong mundo at 123+ dialect naman sa Pilipinas. Komunikasyon ay Pag-uusap Pag-unawa Talakayan o Pakikipag-ugnayan Pakikipagkalan Debate Argumento o Komento Pagpapahayag Paghahatid o Pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan Pakikipagpalagayan Ang komunikasyon ay paghahatid ng mahahalagang impormasyon sa isang paraang masining upang maging mabisa at mahusay na maipahayag ng tao ang kanyang palagay o saloobin sa kanyang kapwa, anuman ang paksang inaakala niyang mahalagang mapag-usapan (Verdeber, 1987). Mula sa salitang Latin na communis na nangunguhulugang “panlahat” o “para sa lahat.” Noong unang panahon ang pamamagitan ng komunikasyon ay tunog . 3 TUNOG NA GINAGAMIT SA KOMUNIKASYON bow-ow pooh-pooh / meow - meow ring - ring PROSESO NG KOMUNIKASYON Nagmumula ang mensahe sa nagpapadala. Daraan ito sa proseso ng pag-iisip ng ideya upang magkaroon ng mensahe na maihahatid sa tumatanggap....

Panghalip Pamatlig

Ang panghalip pamatlig ay ginagamit na panghalili na panturo sa pangalan ng tao, bagay, lugar o gawain. Halimabawa:  ito  nito  dito/rito  ganito  ire  niya  diyan/riyan  ganiyan  iyan  ninyo  doon/roon ganoon iyon  noon  dine/rine  ganiri  heto  hayan  hayun  ayan

Pagbubuod

Ang buod ay pinaikling salaysay ng isang mahabang babasahin. Ang paraang ito ng pagkuha ng pangunahing diwa ng teksto ay tinatawag na pagbubuod. Ang pagbubuod ay hindi lamang pagsisipi o pagsasaulo ng mga detalye. Ito ay nangangailangn ng pang-unawa sa nilalaman ng babasahin. Sariling salita ang ginagamit sa pagpapahayag ng pinakamahahalagang kaisipan o detalye ng binasa. Maaaring gawing pabigkas o pasulat ang pagbibigay ng buod. Ang pagbubuod kung pasulat ay karaniwang isinusulat nang patalata. Ang pagbibigay- buod ng kuwento ay isang paraan ng pagkuha ng kabuuang diwa at mga detayle nito. Ang bawat detalye ay kailangang ibigay nang sunod -sunod. May mga hakbang na sinusunod sa pagbubuod: Pagbabasa -- Pagbasang may ganap na pagkaunawa sa nilalaman o tinatalakay ng katha ang dapat munang gawin ng isang maglalagom Pagpili -- Kasunod ng pagkaunawa sa binasa ay ang pagpili ng pangunahing diwa o kaisipan mula sa orihinal na sipi. Pagsulat -- Mula sa mga naitalang ma...

Parirala

Ang matalinghagang pananalita ay parirala o grupo ng mga salita na ginagamit sa paghahambing o pagwawangis . Ang kahulugan nito ay mahirap mahulaan kung ang pagbabasihan ay ang gamit ng mga salita batay sa gramatika.

Simile at Metapora

Ang simile at metapora ay uri ng paghahambing na ginagamit upang mas maging kawili-wili o kaakit-akit basahin ang isang pangungusap. Ginagamit ang simile upang paghambingin ang dalawang magkaibang bagay gamit ang sing- o sim, tulad o gaya ng. Ang metapora ay ginagamit sa pagwawangis sa isang bagay sa pamamagaitan ng pagpapalit ng tawag dito.

Panghalip Panaklaw

Ang panghalip na panaklaw (mula sa salitang "saklaw", kaya't may pahiwatig na "pangsaklaw" o "pangsakop") ay literal na "panghalip na walang katiyakan" o "hindi tiyak".  Ito ay tumutukoy sa tao o bagay na walang katiyakan kung sino o ano ang mga ito. Ito ay maaaring isahan o maramihan. Halimbawa ng panghalip na panaklaw ang mga salitang lahat, bawat isa, madla, sinuman, alinman, anuman, kaninoman, ilan, at pawang. Ang panghalip panaklaw ayHalimbawa: lahat, bawat isa, sinoman, anoman, kaninoman at alinman.

Panlapi

Ang panlapi ay isang kataga na ikinakabit sa isang salitang-ugat upang makabuo ng bagong salita. May ibat’ibang uri ng mga panlapi: Unlapi – ang panlapi ay makikita o nakalagay sa unahan ng salitang-ugat. Halimbawa: Mag/ma Mag-aral mahusay Nag/na Nagsimula natapos Gitlapi ang panlapi ay makikita o nakalagay sa loob ng salita. Halimbawa: Um/ in sumayaw ginawa Hulapi ang panlapi ay makikita o nakalagay sa hulihan ng salita. Halimbawa: an/ han/in sabihan tandaan isipin Kabilaan -kapag ang isang pares ng panlapi ay makikita o nakalagay sa unahan at ang isa ay nasa hulihan ng salita. Halimbawa: mag, an, pa, in ka, an ka, han mag-awitan, paalisin, kaibigan, kadalagahan Salitang Maylapi Salitang Ugat Panlapi Uri ng Panlapi pasyalan pasyal an hulapi mag-aral aral mag unlapi tumawa tawa um gitlapi binasa basa in gitlapi kaibigan ibig ka, an kabilaan ginising gising in gitlapi nanood nood na unlapi