Pilipinas

Ang bansang Pilipinas ay isang kapuluan. Ang Pilipinas ang ikalawang pinakamaling kapuluang mattagpuan sa rehiyong Timog-silangang Asya sa gawing itaas ng ekwador. Tinagurian ang Pilipinas bilang "pintuan ng Asya" dahil sa kinalalagyan nito sa pasipiko at bilang bahagi ng kontinente at lupalop ng Asya. Nasa pagitan ito ng 4º - 21º hilagang latitud at 116º - 127º silangang longhitud. Ito ay binubuo ng 7,107 mga pulo. Ang lawak nito ay umaabot sa 300 000 kilometro kuwadrado. May 1851 kilometro ang haba mula sa hilaga patimog at umaabot naman sa 1107 kilometro ang lawak nito mula sa kanluran pasilangan. Ang ibig sabihin, ito ay napaliligiran ng tubig. Nahahati ang Pilipinas sa tatlong malalaking bahagi. Pagmasdan mo ang larawan sa ibaba.


Ang Luzon, Visayasa, at Mindanao ang tatlong malalaking bahagi. Ang mga ito ang tatlong pangunahing pulo sa ating bansa


Iba't ibang anyong tubig ang nakapalibot sa Pilipinas. Sa hilagang bahagi ng bansa makikita ang Bashi Channel. Sa timog naman ang Dagat Celebes. Ang Karagatang Pasipiko ang nasa silangan. Ang Timog Dagat Tsina naman ay nasa kanluran.

May katamtamang klima ang Pilipinas sapagkat nararanasan sa bansa ang hindi gaanong init at lamig. Karaniwang umaabot sa 31ºC ang pinakamataas na temperature at hindi bumababa sa 23ºC ang pinakamababang temperatura. Ngunit, dahil sa tinatawag na climate change, nalalagpasan ang pinakamataas na temperatura mula 37ºC hangang 40ºC kung panahon ng tag-araw sa bansa. Naitala ito sa Lungsod ng Tuguegarao. Gayon din ang pagkakaroon ng pinakamababang temperatura na umaabot mula 6.8ºC hangang 7.5ºC na naranasan ng mga taga-Atok, Benguet sa buwan ng taglamig sa bansa

4 NA URI NG KLIMA AYON SA DAMI NG ULAN

  1. Unang Uri - may anim na buwan ng tag-araw at anim na buwan ng tag-ulan. Mula Hunyo hangang Nobyembre ay tag-ulan at mula Disyembre hangang Mayo ay tag-araw. Ang kanlurang bahagi ng Mindoro at Palawan sa Luzon at ang mga lalawigan ng Negros, Aklan, Antique, Iloilo at Capiz sa Kabisayaan ay may ganitong uri ng klima.
  2. Ikalawang Uri - Mula Disyembre hanggang Pebrero nakara- ranas ng pinakamalakas na pag-ulan ang mga lugar na kabilang sa ikalawang uri. Nakararanas ng ganitong uri ng klima ang mga lalawigang nasa silangang bahagi ng Luzon—silangang bahagi ng Albay, Camarines Norte at Camarines Sur, Catanduanes at Quezon; malaking bahagi ng Silangang Leyte at Samar sa Kabisayaan; at mga lalawigan sa gawing silangan ng Mindanao. Nakararanas ang mga lalawigang kabilang sa ikalawang uri ng pag-ulan sa buong taon dahil sa kalapitan ng mga nabanggit na lugar sa baybayin. Idagdag pa rito ang kawalan ng mga bundok na hahadlang sa dalang ulan ng mga hanging amihan at habagat. 
  3. Ikatlong Uri - Nakararanas ng maulan at maikling panahon ng tag-araw ang mga lalawigang kabilang sa ikatlong uri ng klima. Halos tumatagal lamang ng isa hanggang tatlong buwan ang nararanasang tag-araw ng mga lalawigang kabilang sa ganitong uri. Nararanasan ang ganitong uri ng klima sa Romblon, Masbate, silangang bahagi ng mga Lalawigang Bulubundukin (Mountain Province), Katimugang Quezon, Kanlurang bahagi ng Cagayan, at Silangang Palawan. Sa gawing Kabisayaan naman ay nararanasan ang klimang ito sa mga lalawigan sa hilagang- silangan ng Panay, sa bandang sentro at bahaging timog ng Cebu at Negros Oriental, at sa mga lalawigang matatagpuan sa gawing hilaga ng Mindanao. 
  4. Ikaapat na Uri - Nakararanas ang mga lalawigang nabibilang sa ikaapat na uri ng pantay-pantay na dami at pagkakabahagi ng ulan sa buong taon. Sa Luzon, nararanasan ang ganitong uri ng klima sa mga lalawigang nasa hilagang-silangang Luzon, timog- kanlurang bahagi ng Camarines Norte at kanlurang bahagi ng Camarines Sur, silangang bahagi ng Mindoro, Tangway ng Bondoc, Albay, Marinduque, at Batanes; sa Bohol, kanlurang Leyte, at hilagang Cebu sa Kabisayaan; at mga lalawigang nasa Silangan at Katimugang Mindanao.

SAGISAG NG PILIPINAS

  1. Watawat ng Pilipinas - ang ating watawat ay may tatlong kulay. Sa taas nito'y bughaw at sa baba ay pula. Makikita rin ang puting tatsulok. Mayroong tatlong bituin at isang araw na kulay dilaw. Ang araw naman ay may walong sinag. 
  2. Lupang Hinirang - ang ating pambansang awit. Inaawit ito kasabay ng pagtataas o pagbaba ng ng watawat. 
  3. Dr. Jose P. Rizal - ang pambansang bayani ng Pilipinas. Gumamit siya ng panulat bilang panlaban sa mabagsik na mga dayuhan. Tanging mithiin ay makamtan ng bansa ang kalayaan.
  4. Filipino ang ating pambansang wika. Ito ang napiling wika upang sumagisag sa ating bansa. Dapat natin itong laging gamitin at huwag ikahihiya.
  5. Bahay Kubo - ang ating pambansang bahay. Nararapat din nating ipagmalaki ito. Kahit sa pawid, kawayan at sawali lamang yari ito. 
  6. Cariñosa -  ang ating pambansang sayaw. Pagiging magiliw at masayahin ng mga Plipino ang ipinakikita sa sayaw nito
  7. Barong Tagalog at Baro't Saya  - ang ating pambansang kasuotan. Barong Tagalog ang para sa lalaki at Baro't Saya naman para sa babae.
  8. Agila - ang ating pambansang ibon. Tinatawag ito na haribon. Para sa mga Pilipino, ang agila ay sagisag ng lakas ng loob at katapangan. Sagisag din ito ng pagmamahal sa ating kalayaan.
  9. Kalabaw - ang ating pambansang hayop. Ang hayop na ito ay katulong ng mga magsasaka sa bukid. Ang katangian ng kalabaw ay sagisag ng pagiging malaya at masipag ng mga Pilipino.
  10. Sampaguita - ang pambansang bulaklak. Ito'y maliliit subalit mabango. Maihahalintulad sa isang dalagang Pilipina ang samyo nito. 
  11. Narra - ang ating pambansang puno. Ang punong ito ay katulad ng mga Pilipino. Sa anumang suliranin o pagsubok, nananatiling matatag. 
  12. Sipa - ang ating pambansang laro
  13. Bangus -  ang ating pambansang isda
  14. Anahaw - ang ating pambansang dahon
  15. Mangga - ang ating pambansang prutas. 

MGA TANAWIN SA PILIPINAS

  1. Hagdan-hagdang Palayan - sa banawe ito matatagpuan. Napabilang ito sa walong pinakamagandang tanawin sa mundo.
  2. Bulkang Mayon - matatagpuan ito sa Albay. Hinahangaan ito sa buong mundo dahil sa hugis nito na perpektong apa.
  3. Chocolate Hills - ito ay matatagpuan sa Bohol. Ito ay tumpok ng mga burol. Kaya ito tinawag na Chocolate Hills dahil kapag palubog na ang araw ang kulay nito ay nagiging tulad ng isang tsokolate.
  4. Bulkang Taal - ito ay matatagpuan sa Batangas. Sa gitna ng lawa ito ay makikita. Ito ang pinakamaliit na bulkan sa buong mundo. At tunay na kakaiba sapagkat bulkang maliit ay nasa loob ng higt na malaking bulkan. 
  5. Boracay Beach - ito ay matatagpuan sa Aklan. Pinong-pino at puti ang buhangin nito sa dalampasigan. Ang baybaying ito ay kilala sa iba't ibang panig ng mundo.
  6. Hundred Islands - ito ay matatagpuan sa Pangasinan. Ito ay may pulo na iba-iba ang laki at hugis. Dinarayo rin ito ng maraming turista. 
  7. Talon ng Pagsanjan - ito ay matatagpuan sa Laguna. 
  8. Talon ng Maria Cristina - ito ay matatagpuan sa Lanao del Norte. Dito kinukuha ang enerhiya upang magkaroon ng kurente sa mga karatig pook nito. 

BAYANI NG PILIPINAS

  1. Dr. Jose Rizal - ang pambansang bayani ng Pilipinas. Gumamit siya ng panulat bilang panlaban sa mabagsik na mga dayuhan. Tanging mithiin ay makamtan ng bansa ang kalayaan.
  2. Andres Bonifacio - ay matapang na pinuno ng mga katipunero. Pinamumunuan ang pakikipaglaban sa mga Kastila. "Ama ng Katipunan" ang bansag sa kanya. 
  3. Heneral Emilio Aguinaldo - ang kauna-unahang pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas. Ipinaglaban niya ang kasarinlan ng ating bansa.
  4. Apolinario Mabini - ay kilala sa tawag na "Dakilang Lumpo". Kahit may kapansanan, siya ay likas na matalino. Hinirang na tagapayo ni Pangulong Aguinaldo.
  5. Lapu-lapu  - matapang na lider. Hindi nya hinayaang masakop ng pangkat ni Magellan ang ating bansa. Siya ang kauna-unahang bayaning Plipino. Read More
  6. Melchora Aquino - kilala sya bilang Tandang Sora. Siya ang gumamot at nag-aalaga sa mga sugatang katipunero.
  7. Gregorio del Pilar - ay bayani ng Pasong Tirad. Dito siya namatay dahil sa pagmamahal at pagtatanggol sa bayan.

YAMAN NG BANSA

  1. Anyong Lupa
    1. Kapatagan -  nakatira ang maraming pamayanan. Makikita rin ang malalawak na taniman ng palay, mais, tubo, gulay at marami pang iba. 
    2. Kagubatan - marami tayong nakukuha. Nandiyan ang mga bungangkahoy at malalaking troso. Mula sa troso, nakagagawa ng kama, mesa, upuan at iba pang kasangkapan. Makikita rin sa kagubatan ang iba't ibang uri ng hayop at halaman.
    3. Bundok - ng pinakamataas na anyong lupa. Ito'y tumutulong sa pagpigil ng malawakang pagbaha. 
    4. Talampas - ay patag na lugar sa ibabaw ng bundok. Ito ay mainam na pastulan ng mga alagang hayop tulad ng kambing, baka, kabayo, at kalabaw. Dito rin pinakamagandang mag-alaga ng mga hayop dahil sa sariwang damo nito at saganang tubig. 
  2. Anyong Tubig - mahalagang yaman ng ating bansa. 
    1. Dagat -  ay malawak na bahagi ng tubig. Dito dumaraan ang mga barkong naglalakbay sa iba't ibang panig ng daigdig. Ang ating bansa ay napaliligiran ng mga dagat. Ito ang Dagat Celebes at Timog Dagat Tsina.
    2. Ilog - maliit na bahagi ng tubig. Karamihan sa mga ilog ay karugtong ng isang malaking anyong tubig dagat. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng tubig dito. 
    3. Sapa - ay mas maliit kaysa sa ilog. Ang tubig dito ay nanggaling sa naipong tubig-ulan o kaya naman ay galing sa kabundukan. Hindi umaagos ang tubig dito. Kaya tuwing tag-araw halos natutuyo ito. 
    4. Talon  - ang tubig ay umaagos sa mataas na bahagi ng lupa tulad ng bundok. 


Source:
Pilipinas bansa natn kinder 2
Author: Marina N. Tawag

Comments

Popular posts from this blog

Basketball Hand Signals

Uhaw ang Tigang na Lupa- Liwayway A. Arceo

White Dots