Lapu-Lapu

Si Lapu-lapu ang pinuno ng Mactan na namuno sa pangkat na nakipaglaban at pumatay kay Magellan. Lubhang mahalaga ang pagwawagi ni Lapu-lapu kay Magellan. Napatunayan nito na hindi lahat ng Pilipino ay sang ayon sa pananakop ng mga dayuhan. Ang Magulang ni Lapu-lapu ay sina Kusgano at Inday Putti ngunit walang naitala  tungkol sa kapanganakan ni Lapu-lapu. Nag pakasal siya kay Prinsesa Bulakna na anak ni Datu Sabtano. Sila ay biniyayaan ng isang anak na pinangalanan nilang Sawili. Dahil may matagal nang alitan sa pagitan nina Zula at Lapu-lapu, inalok ni Zula na labanan niya si Lapu-lapu kung bibigyan lamang siya ni Magellan ng kawal. Ngunit tumangi si Magellan sa alok ni Zula at minabuti niyang siya na mismo ang makipaglaban kay Lapu-lapu. Kasama ang kanyang 100 tauhan, nilusob ni Magellan ang Mactan noong Abril 27, 1521. Sa labanang naganap, natalo ng pangkat ni Lapu-lapu ang mga Espanyol at natalo nya si Magellan nang tamaan niya ito sa kaliwang binti at sa huli at pinatay ni Lapu-lapu si Magellan. Walang nakakaalam sa kamatayan ni Lapu-lapu subalit ang kanyang tagumpay sa paglaban sa mga dayuhan ay siyang kabayanihang naitala sa kasaysayan ng Pilipinas. 

MAGANDANG KATANGIAN NI LAPU-LAPU
Si Lapu-lapu at talagang may matigas na puso at matibay na paninindigan bilang isang pinuno ng Mactan. Isang patunay rito ang pag tangi nya sa alok ni Magellan ng isang magandang posisyon at pagkilala kay Lapu-lapu, kapalit ang pagkilala at pagtatag ng pamahalaang Kastila sa kanyang nasasakupan.

Comments

Popular posts from this blog

Basketball Hand Signals

Uhaw ang Tigang na Lupa- Liwayway A. Arceo

White Dots