Kipot ni Magellan
Ito ay binubuo ng isang malilibot na ruta sa dagat na kaagad na nasa timog ng punong lupain ng Timog Amerika at hilaga ng Tierra del Fuego. Sa Tierra del Fuego nasubukan ang galing ni Magellan dahil sa ito ang pinakamahirap na daan sa kanyang expedisyon. Pinakamalahagang likas na daanan ang daanang-tubig na ito na nasa pagitan ng mga Karagatang Pasipiko at Atlantiko, ngunit itinuturing na isang mahirap na rutang pangnabigasyon dahil sa hindi mahulaang mga gawi ng ihip ng hangin at mga daloy ng tubig, at dahil sa kakiputan ng lagusang ito. Isa itong daang lagusan magmula sa Karagatang Atlantiko patungo sa Karagatang Pasipiko. Pinangalanan ito mula kay Fernando Magallanes, na kilala rin bilang Ferdinand Magellan.
Comments
Post a Comment