Uhaw ang Tigang na Lupa- Liwayway A. Arceo
1
Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa init ng kanyang dibdib at nikikinig sa pintig ng kanyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na paghinga niya, sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, paghikbi...
2
Ilang araw ko nang hindi nadadalaw ang aklatan: ilang araw ko nang hindi nasasalamin ang isang larawang mahal sa akin: bilugang mukha, malapad na noo, hati-sa-kaliawang buhok, singkit na mga mata, hindi katangusang ilong, mga labing duyan ng isang ngiting puspos-kasiyahan...Sa kanya ang aking noo at mga mata. Ang aking hawas na mukha, ilong na kawangki ng tuka ng isang loro, at maninipis na labi, ay kay Ina...
3
Sa Ina ay hindi palakibo: siya ay babaing abilang at sukat ang pangungusap. Hindi niya ako inuutusan. Bihira siyang magalit sa akin at kung nagkakagayon ay maikli ang kanyang pananalita: Lumigkit ka!...At kailangang ‘di ako makita. Kailangang ‘do ko masaksihan ang kikislap na poot sa kanyang mga mata. Kailangang ‘di ko namamalas ang pagkagat niya sa kanyang labi. Kailangang ‘do ko na makita ang panginginig ng kanyang mga daliri. Ito rin ang katumbas ng kanyang mariing huwang kung mayroon siyang ipinagbabawal.
Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw...
4
Minsan man ay hindi ko narinig na may pinagkagalitan sila ni Ama bagama’t hindi ko mapaniwalaang may magkabiyak ng pusong hindi nagkakahinampuhan. Marahil ay sapagkat kapwa sila may hawak na kainawaan: ang pagbibigayan sa isa’t isa ay hindi nalilimot kailanman.
5
Kung gabi ay hinahanap ko ang kaaliwang idinudulat ng isang amang nagsasalaysay tungkol sa mga kapre at nuno at tungkol sa magagandang ada at prinsesa; ng isang nagmamasid at nakangiting ina; ng isang pulutong ng nakikinig na magaganda at masasayang bata.
Ngunit, sa halip niyon ay minalas ko si Ama sa kanyang pagsusulat; sa kanyang pagmamakinilya; sa kanyang pagbabasa. Minamasdan ko kung paano niya pinapangunot ang kanyang noo; kung paano niya ibinubuga ang asong nagbubuhat sa kanyang tabako; kung paano siya titingin sa akin na tila may hinahanap; kung paano niya ipipikit ang kanyang mga mata; kung paano siya magpapatuloy sa pagsulat...
Si Ina ay isang magandang tanawin kung nanunulsi ng mga punit na damit; kung nag-aayos ng mga uhales at nagkakabit ng mga butones sa mga damit ni Ama. Sa kanyang pagbuburda ng aking mga kamison at panyolito – sa galaw ng kanyang mga daliri – ay natutunghan ko ang isang kapana-panabik na kuwento. Ngunti, ang pananabik na ito’y napapawi.
Kabagu-tbagot ang aking pag-iisa at ako ay naghahanap ng kasama sa bahay: isang batang marahil ay nasa kanyang kasinungalingang gulang o isang saggol na kalugud-lugod, may ngiti ng kawalang-malay, mabango ang hininga, may maliit na paa at kamay na nakatutuwang pisilin, may mga pisngi at labing walang bahid-kasalanan at kasiya-siyang hagkan, o isang kapatid ba kahulihan ng gulang, isang maaaring maging katapatan...
6
Sakali mang hindi nagkagalit si Ina at Ama, o kung nagkakagalit man ay sadyang hindi ipinamamalay sa akin, ay hinahanap ko rin ang magiliw na palitan ng mga titig, ng mga ngiti, ng mga biruan.
Sapat na ang isang tuyot na aalisna ako sa pagpapaalam ni Ama. Sapat na ang naningil na ang maniningil sa ilaw o sa tubig o sa telepono upang sakupin ang panahong itatagal ng isang hapunan. Sapat na panakaw sa sulyap ni Ama upang ipadamang may naririnig siya.
Mabibilang sa mga daliri ng aking dalawang kamay kung makailan kaming nagpasyal: Si Ama, si Ina at ako. Malimit na ako ang kasama ni Ina; hindi ko nakitang sinarili nila ang pag-aaliw.
7
Inuumaga man si Ama sa pag-uwi kung minsan ay hindi ko kinapapansinan ng kakaibang kilos si Ina. Nahihiga rin siya pagdating ng mga sandali ng pamamahinga at kung nakatutulog siya o hindi ay hindi ko matiyak.
Marahil ay ito ang tunay na madarama ng kataling-puso ng isang taong inaangkin ng madla...
Ngunit, walang pagsisisi sa kanyang tinig.
8
Ilang taon na ngayon ang nakaraan nang minsang may ibinalik na aklat ang aming tagapaglaba: yaon daw ay nakuha niya sa isang lukbutan ng amerikana ni Ama. Ibinigay ko yaon kay Ina: yaon daw ay talaarawan ni Ama.
Naging kapansin pansin sa dalgita ang ilang bagay sa kaniyang ina nang hindi ito makatulog, palaging malungkot kung tumitig, malalim ang paghinga at paminsan minsan ay may impit na hikbi.
Ang kanyang ina ay hindi palakibo at matipid kung makipagusap. Bihira lamang siyang magalit. Parang patak ng ulan kung tag-araw ang kaniyang mga ngiti. Ang batang puso ng anak ay maitutulad sa lupang tigang na uhaw na uhaw.
Palagi niyang namamalas ang pagsasalita ng ama habang nagmamakinilya, ang pagbabasa nito,pinagmamasdan niya ang pagbuga ng usok ng sigarilyo, ang pag-iisip at ang pagpatuloy sa pagsulat.
Ilang taon ang nakalipas ay may isinauling maliit na talaarawan ang kanilang labandera sa kanyang ina at kinabukasan ay may mga bakas na ng mga luha sa mga mata ng kanyang ina. Lalo itong naging malungkot at tahimik.
Isang gabi’y umuwing lasing ang kanyang ama at dumaing na masakit ang dibdib at ulo. Naratay ng ilang araw ang ama at hindi ito hiniwalayan ng kanyang ina. Hindi ipinagtapat sa anak ang tunay na karamdaman ng ama.
Nakita ng anak sa hapag ng ama ang isang kahitang pelus ng ipaayos sa kanya ng ama ang hapag nito. Ang larawan sa kahita ay hindi ang kaniyang ina. Walang lagda ang larawan at ang tanging nakasaad ay “Sapagkat ako’y nakalimot”. May nakita rin ang anak na isang salansan ng liham. Nakasulat sa mga sobre ang pangalan ng kanyang ama at tanggapan nito.
Hiningi ng ama ang mga sulat ngunit tumutol ang anak. Sinabi ng kaniyang ama na nasa kalamigan ng lupa ang kanyang kaluwalhatian. Ayon sa ama ang unang tibok ng puso ay hindi pagibig tuwina.
Lumubha ang kalagayan ng ama at malimit na mawalan ng malay samantalang ang ina ay patuloy sa pagbabantay, walang imik, hindi kumakain, hindi umiidlip at patuloy na lumuluha kung walang makakita sa kanya.
Nagsalita ang maysakit at sinabing magaling na siya at sila ng kanyang mahal ay maaari nang magtungo….na nag moog na kinabibilangguan niya ay kanyang wawasakin sa anumang paraan.
Napaluha ang ina at pumatak ito sa bibig ng asawa. Nagmulat ng mga mata ang maysakit at nagkatitigan sila ng ina.
Hawak ng ina ang kamay ng ama nang muli itong nagsalita ata ang sabi ay “Sabihin mo, mahal ko na maangkin ko na ang kaligayahan ko”.
Mariing kinagat ng ina ang labi at sinabing maaangkin na iyon ng kanyang mahal.
Hinagkan ng ina ang asawa at kasabay noon ay lumisan ang kaniyang kaluluwa. Wala nang mga luhang dumaloy sa mga mata ng ina. Tiyak na liligaya ang kaluluwa ng lumisan.
Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa init ng kanyang dibdib at nikikinig sa pintig ng kanyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na paghinga niya, sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, paghikbi...
2
Ilang araw ko nang hindi nadadalaw ang aklatan: ilang araw ko nang hindi nasasalamin ang isang larawang mahal sa akin: bilugang mukha, malapad na noo, hati-sa-kaliawang buhok, singkit na mga mata, hindi katangusang ilong, mga labing duyan ng isang ngiting puspos-kasiyahan...Sa kanya ang aking noo at mga mata. Ang aking hawas na mukha, ilong na kawangki ng tuka ng isang loro, at maninipis na labi, ay kay Ina...
3
Sa Ina ay hindi palakibo: siya ay babaing abilang at sukat ang pangungusap. Hindi niya ako inuutusan. Bihira siyang magalit sa akin at kung nagkakagayon ay maikli ang kanyang pananalita: Lumigkit ka!...At kailangang ‘di ako makita. Kailangang ‘do ko masaksihan ang kikislap na poot sa kanyang mga mata. Kailangang ‘di ko namamalas ang pagkagat niya sa kanyang labi. Kailangang ‘do ko na makita ang panginginig ng kanyang mga daliri. Ito rin ang katumbas ng kanyang mariing huwang kung mayroon siyang ipinagbabawal.
Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw...
4
Minsan man ay hindi ko narinig na may pinagkagalitan sila ni Ama bagama’t hindi ko mapaniwalaang may magkabiyak ng pusong hindi nagkakahinampuhan. Marahil ay sapagkat kapwa sila may hawak na kainawaan: ang pagbibigayan sa isa’t isa ay hindi nalilimot kailanman.
5
Kung gabi ay hinahanap ko ang kaaliwang idinudulat ng isang amang nagsasalaysay tungkol sa mga kapre at nuno at tungkol sa magagandang ada at prinsesa; ng isang nagmamasid at nakangiting ina; ng isang pulutong ng nakikinig na magaganda at masasayang bata.
Ngunit, sa halip niyon ay minalas ko si Ama sa kanyang pagsusulat; sa kanyang pagmamakinilya; sa kanyang pagbabasa. Minamasdan ko kung paano niya pinapangunot ang kanyang noo; kung paano niya ibinubuga ang asong nagbubuhat sa kanyang tabako; kung paano siya titingin sa akin na tila may hinahanap; kung paano niya ipipikit ang kanyang mga mata; kung paano siya magpapatuloy sa pagsulat...
Si Ina ay isang magandang tanawin kung nanunulsi ng mga punit na damit; kung nag-aayos ng mga uhales at nagkakabit ng mga butones sa mga damit ni Ama. Sa kanyang pagbuburda ng aking mga kamison at panyolito – sa galaw ng kanyang mga daliri – ay natutunghan ko ang isang kapana-panabik na kuwento. Ngunti, ang pananabik na ito’y napapawi.
Kabagu-tbagot ang aking pag-iisa at ako ay naghahanap ng kasama sa bahay: isang batang marahil ay nasa kanyang kasinungalingang gulang o isang saggol na kalugud-lugod, may ngiti ng kawalang-malay, mabango ang hininga, may maliit na paa at kamay na nakatutuwang pisilin, may mga pisngi at labing walang bahid-kasalanan at kasiya-siyang hagkan, o isang kapatid ba kahulihan ng gulang, isang maaaring maging katapatan...
6
Sakali mang hindi nagkagalit si Ina at Ama, o kung nagkakagalit man ay sadyang hindi ipinamamalay sa akin, ay hinahanap ko rin ang magiliw na palitan ng mga titig, ng mga ngiti, ng mga biruan.
Sapat na ang isang tuyot na aalisna ako sa pagpapaalam ni Ama. Sapat na ang naningil na ang maniningil sa ilaw o sa tubig o sa telepono upang sakupin ang panahong itatagal ng isang hapunan. Sapat na panakaw sa sulyap ni Ama upang ipadamang may naririnig siya.
Mabibilang sa mga daliri ng aking dalawang kamay kung makailan kaming nagpasyal: Si Ama, si Ina at ako. Malimit na ako ang kasama ni Ina; hindi ko nakitang sinarili nila ang pag-aaliw.
7
Inuumaga man si Ama sa pag-uwi kung minsan ay hindi ko kinapapansinan ng kakaibang kilos si Ina. Nahihiga rin siya pagdating ng mga sandali ng pamamahinga at kung nakatutulog siya o hindi ay hindi ko matiyak.
Marahil ay ito ang tunay na madarama ng kataling-puso ng isang taong inaangkin ng madla...
Ngunit, walang pagsisisi sa kanyang tinig.
8
Ilang taon na ngayon ang nakaraan nang minsang may ibinalik na aklat ang aming tagapaglaba: yaon daw ay nakuha niya sa isang lukbutan ng amerikana ni Ama. Ibinigay ko yaon kay Ina: yaon daw ay talaarawan ni Ama.
Wla po bang kompletong kwento
ReplyDelete