Kabuhayan noong panahon ng Kastila

Pinakilala ng mga kastila ang sistemang pamilihan. Ang sistemang pamilihan ay ang pagtatakda ng presyo sa isang bagay o pagkain. Ang sistema ay nagmula sa simpleng sistema ng pagpapalitan ng kalakalan hangang sa napalitan ito ng bagong sistemang ipinakilala ng mga Kastila sa ating mga ninuno noong 1521. At ito ay tinawag na sistemang barter.

Dahil sa hindi husto ang kaalaman at hindi nakapag-aral ang mga Filipino noong panahon ng Kastila, nakaranas ng pag-aaubuso at diskriminasyon. Binigyang pabor ng mga Kastila ang mga tao na nagbibigay sa kanila ng benepisyo tulad na lamang ng mga Tsino sapagka't mas malaki ang buwis na kanilang binayaran. Nagkaroon din ng klasipikasyon sa estado ng tao noong panahon ng Kastila. Ang mga Pilipino ay tinawag na indio samantalang mestizo ang mga Pilipinong ang ama ay Tsino at ang ina ay Pilipino. Kung may kabutihan na naidulot ang mga Kastila sa ekonomiya ng Pilipinas, mayroon ding mga suliraning dulot ang sistemang ipinakilala ng mga Kastila.

 Nagkaroon ng pagbabago sa sistemang pang-ekonomiya at pangpulitikal noong ranahon ng Kastila. Dumating mula Espanya ang mamumuno sa bansa na tinatawag na Gobernador-Heneral. Isa si Gob. Hen. Jose Basco Y Vargas na gumawa ng mga programa ukol sa ekonomiya ng bansa. Sa panahon niya, umunlad ang agrikultura ng bansa at natuto ang mga tao ng pagtatanim ng bulakat mga sangkap sa pagkain tulad ng paminta. Nagkaroon ng mga plantasyon, binigyang-halaga ang paggamit ng kalabaw sa pagtatanim, lumaganap ang monopolyo ng tabako, at lumago ang produkro nn nagmumula sa agrikultura. Dahil dito, nakilala ang Pilipinas ng mga mangangalakal na Europeo at nabuksan ang malayang kalakalan sa pagitan ng Ingles at Pilipino. 

MGA NAGAWA NG KASTILA SA PINAS

  • Pinakilala ang sistemang pamilihan kasama na rito ang sistemang barter. Na kung saan simpleng pagpapalitang ng produkto o kalakalan ang ginagawa. Dahil sa patuloy na paglaki ng populasyon at pagdami ng pangangailangan ng tao at naging komplikado ang sistemang barter, ang pamahalaang kolonyal ay nagpakalat sa paggamit ng tansong barya na tinatawag na barilang Espanyol. Sila ang nagturo sa atin ng paggamit ng iba't ibang uri ng sinaunang teknolohiya sa pagtatanim tulad ng araro, suyod, at kawit. 
  • Pinakilala ang sistema ng pagtatanim at nagmistulang amo ng mga katutubo ang mga Kastila kaya lumaki ang pangangailangan dahil sa buwis na ipinapataw sa mga katutubong Pilipino. Napilitan silang magtanim sapagka't hindi na sapat ang dating kinamulatan sa paghahanapbuhay. Natutong gumawa ng produkto na sobra sa kanilang pangangailangan at ang mga sobrang ito ang siyang nagsilbing pambayad nila sa lahat ng uri ng buwis na ipinataw ng mga Kastila. Sa Simula, hindi kailangan ng pera sapagka't nagbabayad ang mga Pilipino ng buwis sa gusto nilang halaga. 
  • Sa panahong ito, nakilala ang reales na ginagamit ng mga Pilipino sa pagbabayad ng buwis sa halip na produkto, pero hindi nagbabayad ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa pamahalaan ng Kastila tulad ng cabeza de barangay. 
  • Nagkaroon ng sistema kung saan ang isang pueblo ay kailangang maglaan ng ilang bahagi sa kanilang produkto upang ipagbili sa pamahalaan. Pagkatapos ipunin ang mga nalikom na produkto, dadalhin ang mga galyon sa Acapulco, Mexico. Nagsimula ang sistemang ito mula ika-16 siglo at tumagal ito hanggang 1815. Tanging ang mga Kastila at Tsino lamang ang nakinabang sapagka't mula sa Tsina ang mga produktong dinadala sa Acapulco ng mga galyong dumadaan sa Pilipinas. Hindi pinapayagang bumili basta basta ng produkto ang sinumang tao kung walang reales comfras, tawag sa salaping pambayad sa binibiling produkto sa galyon. 
  • Hiniling din ng pamahalaang Kastila na magbigay ng kontribusyon sa mga simbahan ang mga katutubong Filipino tuwing may pista at mahahalagang okasyon na pinagdiriwang sa kanilang nayon. Inatasan ng pamahalaang Kastila na magtrabaho ang mga kalalakihan sa loob ng apatnapung araw para sa pamahalaan ng walang bayad. Tinatawag itong poloy servicios o forced labor.
  • Sa panahon na umunlad ang Pilipinas sa paggamit ng lupa, kasabay naman nito ang pag-usbong ng sistemang enkomyenda. Sa pamamagitan ng kautusan ng Hari ng Espanya na iparehistro ang mga lupa, sinamantala ng mga mayayamang Espanyol ang halos lahat ng lupa. Dahil walang kaalaman ang mga katutubong Pilipino ukol dito, walang nagawa kundi tanggapin ang kanilang kalagayan. Dito nagsimula ang pangangamkam ng lupa at ang paglawak ng pagtatayo ng hacienda. 

Comments

Popular posts from this blog

Basketball Hand Signals

Uhaw ang Tigang na Lupa- Liwayway A. Arceo

White Dots