Panahon ng Espanyol
Ang tinaguriang Kipot ni Magellan ang nagpasimula ng matagumpay na paglalakbay ni Ferdinand Magellan sa Pilipinas.
Ang kahalagahan ng pulitika at ekonomiya sa Pilipinas ang umakit sa mga Espanyol upang sakupin ang Pilipinas.
Kristiyanismo ang pinakamalaking impluwensya sa atin ng mga Espanyol.
Si Ferdinand Magellan ang nakahanap ng bagong ruta patungong Silangan.
Nagkaroon ng sanduguan sina Raja Kolambu at Magellan sa Limasawa upang ipakita nila ang kapayapaan at pakikipagkaibigan sa halip na digmaan.
Si Raja Humabon ang pinuno ng Cebu na nakipagsanduguan kay Magellan. Si Humabon ang unang sa mga katutubong hari ng Pilipinas.
Si Miguel Lopez de Legazpi ay matagumpay na nakapagsimula sa pirmihang paninirahan sa Pilipinas. Nagtagumpay si Legazpi sa pananakop ng Pilipinas dahil may dala sa makabagong sandata
MAHAHALAGANG PETSA AT LUGAR SA KASAYSAYAN NI MAGELLAN
Marso 16 1521 , dumaong sa pulo ng Homonhon ang pangkat ni Magellan
Marso 31, 1521 Sa baybayin naman ng Masau ipinagdiwang nila ang unang misang Katoliko
Abril 7 1521, narating ni Magellan ang Cebu sa tulong ni Rajah Siaiu. Madaling nakuha ni Magellan ang pagtitiwala ni Rajah Humabon, ang hari ng Cebu sa panahong iyo.
Abril 14, 1521 Si Rajah Humambon rin ang kauna-unahang Katoliko sa bansa kasama na rito ang kanyang asawa at ang kanyang mga anak. Binigyan ng Kristiyanong pangalan si Humabon na Carlos – bilang pagkilala kay King Charles I ng Spain. Bininyagan din ang asawa ni Humabon na binigyan ng pangalang Juana, na mula naman sa pangalan ng ina ni King Charles na si Johanna. Niregaluhan ni Magellan ang mag-asawa ng imahe ng Sto Nino at malaking krus na naging palatandaan ng lugar kung saan naganap ang unang binyagan sa bansa. Pagkatapos maging Katoliko nina Rajah Humabon at kanyang kaibigan si Datu Zula hiniling nila kay Magellan na patayin nito ang kanilang kaaway na si Datu Lapu-Lapu ng Mactan.
Abril 27, 1561, Subalit nang makita ng mga natibo na ang tunay na ang tunay na hangarin ni Magellan ay sakupin ang isla ng Pilipinas, sila na rin ang lumaban dito. Napatay ni Datu Lapu-lapu si Magellan sa pamamagitan ng pag pana dito na may halong lason. Sa tagumpay na ito kinilala si Lapu-Lapu bilang kauna-unahang Pilipinong nagpakita ng katapangan at pagmamahal sa sariling bayang sinilangan.
Noong 1565, itinatag ni Legazpi ang Lungsod ng Cebu at tinawag niya itong Lungsod ng Kabanal-banalang Ngalan ni Jesus
Hunyo 24, 1571, ipinahayag ang Maynila bilang kabisera ng Pilipinas
Nagkaroon ng sanduguan sa Limasawa sina Raja Kolambu at Magellan, hangad nila ay kapayapaan at pakikipagkaibigan sa halip na digmaan.
Sa Cebu unang naganap ang pananakop ni Legazpi sa Pilipinas
Nasa Maynila ang mayayaman at makapangyarihang Muslim. Ang kahalagahang pampulitika at pang-ekonomiya nito ay umakit kay Legazpi upang sakupin ito para sa Spain.
DAHILAN NG PAGKASAKOP SA PILIPINAS
1. Walang pagkakaisa ang mga Pilipino. Nahahati ang mga pangkat ng Pilipino sa iba't ibang barangay.
2. Ang mga Espanyol ay hindi lamang mahuhusay sa labanan kundi pati na rin sa pamumuno. Naakit nina Legazpi, Salcedo, de Goiti, at iba pa ang mga Pilipino na makikipagkaibigan sa kanila sa pamamagitan ng magandang pakikitungo.
3. Ang mga Pilipino at kulang sa mga makabagong sandata. Tanging pana at tabak ang sandata nila samantalang mayroon nang mga baril at kanyon ang mga Espanyol.
4. Nabihag ang mga Pilipino sa mga aral ng Kristiyanismo. Ang kanilang pagsampalataya sa Kristiyanismo ang naging tanda ng kanilang pagiging matapat na alagad ng Spain.
LAPU-LAPU
Si Lapu-lapu ang pinuno ng Mactan na namuno sa pangkat na nakipaglaban at pumatay kay Magellan. Lubhang mahalaga ang pagwawagi ni Lapu-lapu kay Magellan. Napatunayan nito na hindi lahat ng Pilipino ay sang ayon sa pananakop ng mga dayuhan. Ang Magulang ni Lapu-lapu ay sina Kusgano at Inday Putti ngunit walang naitala tungkol sa kapanganakan ni Lapu-lapu. Nag pakasal siya kay Prinsesa Bulakna na anak ni Datu Sabtano. Sila ay biniyayaan ng isang anak na pinangalanan nilang Sawili. Dahil may matagal nang alitan sa pagitan nina Zula at Lapu-lapu, inalok ni Zula na labanan niya si Lapu-lapu kung bibigyan lamang siya ni Magellan ng kawal. Ngunit tumangi si Magellan sa alok ni Zula at minabuti niyang siya na mismo ang makipaglaban kay Lapu-lapu. Kasama ang kanyang 100 tauhan, nilusob ni Magellan ang Mactan noong Abril 27, 1521. Sa labanang naganap, natalo ng pangkat ni Lapu-lapu ang mga Espanyol at natalo nya si Magellan nang tamaan niya ito sa kaliwang binti at sa huli at pinatay ni Lapu-lapu si Magellan. Walang nakakaalam sa kamatayan ni Lapu-lapu subalit ang kanyang tagumpay sa paglaban sa mga dayuhan ay siyang kabayanihang naitala sa kasaysayan ng Pilipinas. Read More
RUTANG DINAANAN NI MAGELLAN
San Lucar de Barameda, Spain to Karagatang Atlantic to Timog Amerika to Puerto San Julian to Pacific Ocean to Limasawa to Homonhon to Cebu
IBA PANG EKSPEDISYONG SA PILIPINAS
1. Ekpedisyon Loaisa (1521)
Ito ay pinamunuan ni Juan Garcia Jofre de Loaisa at Juan del Cano. Binubuo ito ng pitong barko at 450 tauhan. Noong Hulyo 24, 1525 ay naglayag ang mga ito mula sa Corina, Spain. Maraming kalamidad ang naranasan ng ekspedisyong ito kung kaya namatay ang dalawa sa dagat subalit ang mga kasamahan sa ekspedisyon ay nakarating sa Mindanao at Mollucas.
2. Ekspedisyong Cabot (1526)
Pinamunuan ito ni Sebastian Cabot, layunin nya na marating at magalugad ang silangan kasama na ang molluccas, pilipinas, china at japan. Narating nila ang Rio de la Plata sa timog amerika bigo itong bumalik sa espanya noong agosto 1528. Dahil sa kanyang kabiguan sa paglalayag at pagkamatay ng kanyang mga tauhan, bumalik siya sa Spain at nakarating doon noong 1530.
3. Ekspedisyong Saavedra (1527)
Pinamunuan ito ni Alvaro de Saavedra, umalis ito sa Mexico noong Oktubre 31, 1527. Dalawa sa tatlong sasakyang dagat ng ekspedisyon ay nasira ng bagyo. Ang natira ay nakarating sa Guam at Mindanao kung saan natagpuan ang tatlong kasama sa ekspedisyong Loaisa. Sinikap bumalik sa Mexico ni Loaisa subalit siya ay nabigo at namatay sa dagat.
4. Ekspedisyong Villalobos (1542)
Pinamunuan ito ni Ruy Lopez de Villalobos, umalis ito sa Mexico at nakarating sa timog ng Mindanao. Nakaranas ng gutom ang pangkat kaya't nagpasya silang bumalik sa Mexico. Hindi nila natagpuan ang rutang pabalik sa Mexico. Si Villalobos ang nagbigay ng pangalang Felipinas sa kapuluan. Unang binigay ang pangalang Felipinas sa rehiyon ng Samar at Leyte bilang parangal kay Prinsipe Philip II ng Asturias, anak ni Carlos I at tagapagmana ng korona ng kaharian ng Spain. Namatay si Villalobos noong 1546.
5. Ekspedisyong Legazpi (1564)
Pinamunuan ito ni Miguel Lopez de Legazpi at nagtagumpay na makapagsimula ng pirmihang paninirahan sa Pilipinas. Ang kanyang pagkamagiliw ang umakit sa mga Pilipino upang makipagtulungan sa kanya. Nakipagsanduguan si Legazpi kina Sikatuna at Sigala, mga pinuno ng Bohol.

Comments
Post a Comment