Kasaysayan ng Wika Pambansa ayon sa mga batas at kautusan
1935 - Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Saligang Batas
Dahil sa mga pagkakaiba-iba ng mga wikang ginagamit ng mga Pilipino, nahihirapan silang makapag-ugnayan sa isa't isa. Sila ay nagkakaroon ng mga suliranin sa pagbubuklod-buklod at pagkakaisa.
Ito ang dahilan kung bakit sa Saligang-Batas o Konstitusyon noong 1935 ay nagtadhana ng tungkol sa Wikang Pambansa na ito ang isinasaad: "Ang kapulungang Bansa ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapairal ng isang wikang pambansa na batay sa mga umiiral na katutubong wikain."
Ito ang dahilan kung bakit sa Saligang-Batas o Konstitusyon noong 1935 ay nagtadhana ng tungkol sa Wikang Pambansa na ito ang isinasaad: "Ang kapulungang Bansa ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapairal ng isang wikang pambansa na batay sa mga umiiral na katutubong wikain."
OKTUBRE 27, 1936
Sa National Assembly dineklara ni Manuel Quezon ang Surian ng Wikang Pambansa.
NOBYEMBRE 9, 1937
Ang tagalog ang siyang gawing saligan ng wikang pambansa
NOBYEMBRE 13, 1937
Ang unang Pambansang Asembley ay nagbuo ng Instituto ng Pambansang Wika. Ito ang pumili sa Tagalog bilang pababasehan ng bagong wikang pambansa. Noong 1961, and wika ay nakilala sa pangalang Pilipino, at sa bandang huli ay napalitan ng Filipino.
DISYEMBRE 30, 1937
Ang batayang wika ng wikang pambansa ay ang tagalog.
PEBRERO 25, 1940
Ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa lahat ng paaralan sa kapuluan ay binangit niya sa pagtitipon ng Philippine Writers League.
ABRIL 1, 1940
Ipinalabas ang kautusang tagapagpaganap na nagtadhana ng paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituturo ang wikang pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula noong Hunyo 19, 1940.
HUNYO 7, 1940
Pinagtibay ng Batas-Komonwealth Blg. 570 na magtadhana na simula sa Hulyo 4, 1946. Ang wikang pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng Bansa.
MARSO 26, 1954
Nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng wikang Pambansa simula sa Marso 29 hangang Abril 4 taon-taon.
1973
Nagpasimuno ang Instituto ng bagong wika bilang isang wikang gagawing Lingua Franca ng bansa, intensyon itong malayang humiram ng mga salita sa iba't ibang mga wikang ginagamit sa buong kapuluan, habang ang gramatika (balarila) ay mababatay pa rin sa Tagalog.
1976
Kalihim Juan Manuel ang nagdagdag ng 8 na titik sa Ortograpiyang Filipino.
1987 - Artikulo 14, Seksyon 6
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Seksyon 7:
Ukol sa Layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga't wala ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrelihiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at opisyal ang Kastila at Arabic.
Seksyon 8:
Ang konstitusyon ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles, at dapat salin sa mga pangunahing wikang Panrelihiyon, Arabic at Kastila.Seksyon 9:
Dapat magtatag ng kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba't ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.
MARSO 12, 1987
Ipinalabas ni Kalihim Lourdes Quisumbing ang pag-uutos na gamitin ang wikang Filipino sa pagtukoy sa Wikang Pambansa ng Pilipinas.
MAYO 21, 1987
Iniutos ang paggamit ng Bilingwal na naglalayong makapagtamo ng kahusayan sa Filipino at Ingles sa midyom na pagtuturo.
Comments
Post a Comment