Kahulugan ng Komunikasyon
Ang komunikasyon ay isang wika. Mayroon tayong 5,000 dialect sa buong mundo at 123+ dialect naman sa Pilipinas.
Komunikasyon ay
Ang komunikasyon ay paghahatid ng mahahalagang impormasyon sa isang paraang masining upang maging mabisa at mahusay na maipahayag ng tao ang kanyang palagay o saloobin sa kanyang kapwa, anuman ang paksang inaakala niyang mahalagang mapag-usapan (Verdeber, 1987).
Mula sa salitang Latin na communis na nangunguhulugang “panlahat” o “para sa lahat.”
Noong unang panahon ang pamamagitan ng komunikasyon ay tunog.
3 TUNOG NA GINAGAMIT SA KOMUNIKASYON
Nagmumula ang mensahe sa nagpapadala. Daraan ito sa proseso ng pag-iisip ng ideya upang magkaroon ng mensahe na maihahatid sa tumatanggap. Maaaring makaapekto sa nagpapadala ang kasanayang pangkomunikasyon, ugali, kapaligiran at kultura.
Ang tumatanggap ng mensahe ay kinakailangang tumugon dito. Layunin ng komunikasyon na maihatid o mapaabot ang mensahe sa pinagtutungkulan nito.
Masusukat ang kahusayan ng komunikasyon sa pamamagitan ng tugon o fidbak. Sa pagdadala ng mensahe, maaaring gumamit ng kasangkapan sa paghahatid tulad ng wika , kilos at galaw.
Ang proseso ay mauulit at ang tumanggap ay magiging tagapagpadala na ng mensahe.
"Uri Ng Komunikasyon [Verbal at Di-Verbal]." Uri Ng Komunikasyon [Verbal at Di-Verbal]. N.p., n.d. Web.
Komunikasyon ay
- Pag-uusap
- Pag-unawa
- Talakayan o Pakikipag-ugnayan
- Pakikipagkalan
- Debate
- Argumento o Komento
- Pagpapahayag
- Paghahatid o Pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan
- Pakikipagpalagayan
Ang komunikasyon ay paghahatid ng mahahalagang impormasyon sa isang paraang masining upang maging mabisa at mahusay na maipahayag ng tao ang kanyang palagay o saloobin sa kanyang kapwa, anuman ang paksang inaakala niyang mahalagang mapag-usapan (Verdeber, 1987).
Mula sa salitang Latin na communis na nangunguhulugang “panlahat” o “para sa lahat.”
Noong unang panahon ang pamamagitan ng komunikasyon ay tunog.
3 TUNOG NA GINAGAMIT SA KOMUNIKASYON
- bow-ow
- pooh-pooh / meow - meow
- ring - ring
PROSESO NG KOMUNIKASYON
Nagmumula ang mensahe sa nagpapadala. Daraan ito sa proseso ng pag-iisip ng ideya upang magkaroon ng mensahe na maihahatid sa tumatanggap. Maaaring makaapekto sa nagpapadala ang kasanayang pangkomunikasyon, ugali, kapaligiran at kultura.
Ang tumatanggap ng mensahe ay kinakailangang tumugon dito. Layunin ng komunikasyon na maihatid o mapaabot ang mensahe sa pinagtutungkulan nito.
Masusukat ang kahusayan ng komunikasyon sa pamamagitan ng tugon o fidbak. Sa pagdadala ng mensahe, maaaring gumamit ng kasangkapan sa paghahatid tulad ng wika , kilos at galaw.
Ang proseso ay mauulit at ang tumanggap ay magiging tagapagpadala na ng mensahe.
URI NG KOMUNIKASYON
- Verbal
- Paraan ng Pasulat o Pasalita
- Ito ay isang pormal o intelektuwalisadong kapamaraanang sumasa-ilalim sa estruktura ng wika. Tuntunin nito na maipahayag ang mensahe o kaalamang nais iparating sa anyong pasulat o pasalita
- Ito at ginagamitan ng wika o salita at mga letrang sumisimbolo sa kahulugan ng mga mensahe
- Di-Verbal
- Ay naipahahayag sa pamamagitan ng mga paraang di -gumagamit ng wika. Kinakailangan lamang sa di-verbal na komunikasyon ang paggamit ng pandama o limang sensori.
- Ginagamitan ng kilos o galaw ng katawan at ekspresyon ng mukha sa paghahatid ng kabuuang mensahe sa kausap.
- Ay isang detalyado at lihim na kodigo na hindi nakasulat ngunit nauunawaan ng lahat.
- 93% ng mensaheng ipinahahatid ng tao sa kanyang kapwa ay ginagamitan nito
IBA'T IBANG ANYO NG DI-VERBAL
- kinesika (kinesics) - Pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan. May kahulugan ang paggalaw ng iba'tibang bahagi ng ating katawan. Hindi man tayo nagsasalita, ngunit sa pamamagitan ng ating kilos ay naipapahiwatig naman natin ang mensaheng gusto nating iparating sa iba.
- Galaw ng Katawan na nag papahayag ng di-verbal na komunikasyon
- Ekspresyon ng Mukha o Nagpapakita ng Emosyon -- Nagpapahayag ng pagiging masaya kung siya ay naka ngiti, malungkot kung umiiyak, nakasimangot kung galit o naiinis, tulala kung naguguluhan o nabigla at ang ultimong pag labas ng dila ay may mga kahulugang ipinapahayag
- Galaw ng Mata - nagpapakita ng katapatan ng isang tao, nag-iiba ang mensaheng ipinahahayag batay sa tagal, direksyon at kalidad ng kilos ng mata.
- Kumpas - Ang kamay at ang galaw ng katawan ay maraming bagay at kapamaraanang magagawa katulad ng pagsenyas, pagsang-ayon o pagtutol, magpakita ng kasiyahan o papuri, pananakit, paghingi ng paumanhin o makikipag-alitan, mga pagpapakita ng karamdamang pisikal, emosyonal at marami pang iba. Ang anumang sinasabi ng isang tao ay naipahayag na may kasamang kumpas at nakatutulong ito sa mabisang paghahatid ng mensahe.
- Tindig o Postura - Tindig pa lamang ng isang tao at nakapagbibigay na ng hinuha kung anong klaseng tao ang iyong kaharap o kausap
- Proksemika (Proxemics) - Pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo
- Pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo, isang katawagang binuo ni Edward T. Hall (1963), isang antropologo. Maaaring ang mga kalahok sa komunikasyon ay nasa pampublikong lugar tulad ng isang nagtatalumpati sa harap ng kanyang mga estudyante o maari ring isang karaniwang pag-uusap sa pagitan ng dalawang magkaibigan.
- Tatlong Uri ng Kultural na Oras
- Teknikal o Siyentipikong Oras - Eksakto
- Pormal na oras - nagpapakita ng kahulugan ng kultura. Halimbawa, sa kultura ng ating oras, hinahati ito sa segundo, minuto, oras, araw, linggo, buwan, at taon.
- Impormal na Oras -- ay medyo maluwag sapagkat hindi ito eksakto
- Pandama o Paghawak (Haptics) - Ito ay isa sa pinaka-primitibong anyo ng komunikasyon.Minsan, ito ay nagpapahiwatig ng positibong emosyon. Nangyayari ito sa mga taong malapit sa isa't isa gaya ng mga magkakaibigan o magkakapalagayang loob. Halimbawa na rito ang pagyakap o pag haplos.
- Paralanguage - Mga di-linggwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita
- tumutukoy ito sa tono ng tinig (pagtaas at pagbaba), pagbigkas ng mga salita o bilis ng pagsasalita. Kasama rin sa bahaging ito ang pagsutsot, buntung-hininga, ungol o paghinto.
- Ang anumang sinasabi natin o mensaheng nais nating ipahatid ay kailangang angkop sa pagbigkas ng mga salita o pangungusap
- Katahimikan o Hindi pag-imik -- Ay nagbibigay ng oras o pagkakataon sa tagapagsalita na makapag-isip at bumuo at mag-organisa ng kanyang sasabihin. Sa pagtahimik o di pag-imik, inihahanda ng tagatanggap ang mahalagang mensahe na sasabihin pa ng tagapagsalita
- May mga taong ginagamit ding sandata ang katahimikan para masaktan ang kalooban ng iba
- Ginagamit din itong anyo ng pagtanggi o pagkilala sa kakaibang damdamin ng isang tao sa ibang tao
- Kapaligiran - nagsisilbing komunikasyong di-verbal sapagkat ito ay kailangan ng tao upang maganap ang interaktibo at komunikatibong gawain sa buhay.
- Ang pagdarausan o lugar na gagamitin sa anumang pulong, kumperensya, seminar at iba pa ay tumutukoy sa uri ng kapaligiran.
- Ang kaayusan ng lugar ang magsasabi kung pormal o di-pormal ang magaganap na pulong, kumperensya o seminar.
Source:
"Kahulugan Ng Komunikasyon." School Works. N.p., 26 June 2010."Uri Ng Komunikasyon [Verbal at Di-Verbal]." Uri Ng Komunikasyon [Verbal at Di-Verbal]. N.p., n.d. Web.
Comments
Post a Comment