Filipino Lectures

2 Uri ng Pagpapahayag

  1. Pasalita
    • 3 salik kung paano nakapagsasalita ang tao
      1. Enerhiya - ang pinanggalingan ng lakas
      2. Artikulador - kumakatal or nguminginig na bagay
      3. Resonador - patunugan
  2. Pasulat
Katon - lumang alphabet
Kartilya - sa kastila alphabet

8 na hiram na titik ay ang c, x, f, z, v, ñ, q, j

Ponema - makabuluhang tunog

4 NA BAHAGING MAHALAGA SA PAGBIKAS NG TUNOG

  1. Dila at panga
  2. Ngipin at labi
  3. Matigas na ngala-ngala (itaas)
  4. Malambot na ngala-ngala (likod)
Diptonggo 
  • aling mang pantig na sinusundan ng malapatinig na W at Y, sa loob ng isang pantig ay tinuturing na diptonggo
  • Laging nasa huli
  • Aw -- bahaw, lugaw, kantyaw
  • Iw -- giliw, aliw
  • ow - bow
Klaster
  • puwede -->  pu-we-de
  • ewan --> e-wan
  • baba --> ba-ba
  • Inisyal
    • PL - plasa, pluma, plaka, plantsa, plato
  • Hulihan
    • YK - keyk, peyk, bayk
Tono -- may intuition
Antala -- pinaghihiwalay ng kama (,)

PANGHIHIRAM NG SALITA

Nanghihiram tayo ng salita upang mapalawak ang ating talasalitaan

3 Paraan ng Panghihiram

  1. Humahanap tayo ng salitang Pilipino na katumbas ang kahulugan ng salitang hiniram
    • Halimbawa: 
      Salitang Hiram Katumbas
      Calle Daan, Lansangan, Kalsada
      Juego Sugal, Laro
      Dekorasyon Palamuti
  2. Binabaybay natin sa Filipino ang salitang hiniram
    • Halimbawa:
      Salitang Hiram Katumbas
      Cigarillo Sigarilyo
  3. Tuwiran nating ginagamit ang salita subalit nilalagyan natin ng panlapi. Sa dahilang, tayo ay sinakop ng mga Kastila ng may 300 taon kung kaya marami tayong salita na hiram sa kanila
    • Halimbawa:
      Salitang Hiram Katumbas
      Cadena Kadena
      Cebolla Sibuyas
    • Tulad ng sa Agham, isinusulat ng Orihinal na hiram na anyo.
      • Halimbawa: 
        • Photosynthesis
        • Chlorophyll
        • Xylem
        • X-ray
        • Carbon Dioxide
        • Anatomy
        • Oxygen
        • Chemical
        • Helium
        • Chemistry
        • Chloroform
        • Evaporation
        • Sodium
        • Magnesium
        • Potassium Per Chlorate
Pantig -  ay ang bawat galaw ng bibig sa pagbigkas ng salita
Halimbawa: 
ako - a-kotalaga - ta-la-ga
pula - pu-lapalda - pal-da

Pangalan - Ang salitang tumutukoy sa mga tao, bagay, hayop, at lugar.
Halimbawa:
tindera
palengke
prutas
tinda
InayTanaygulaybahay

TAMANG PAG GAMIT NG BALARILA

  1. ang - ginagamit kung isa lang ang pinag-uusapan.
  2. ang mga - ginagamit kung higit sa isa ang pinag-uusapan
  3. ito -  ay ginagamit kung ang bagay na pinag-uusapan ay malapit sa nagsasalita
  4. iyan - ay ginagamit kung ang bagay na pinag-uusapan ay malayo sa nagsasalita at malapit sa taong kausap
  5. iyon - ay ginagamit kung ang bagay na pinag-uusapan ay malayo sa nagsasalita at sa kausap.
  6. NANG
    • kapag umuulit ang kilos.
      halimbawa:

      kain nang kain
      asa nang asa
      tawag nang tawag
      tiis nang tiis
      tanong nang tanong
      hintay nang hintay
      hingi nang hingi
      bigay nang bigay
    • Kapag sinasagot ang tanong na PAANO
      Paano tumakbo si Ben?
                Tumaktakbo si Ben nang matulin.
                Tumatakbo si Ben nang nakapikit.
                Tumaktakbo si Ben nang walang tsinelas.
    • Kapag UMUULIT ang KILOS
                
      Takbo nang takbo si Ben kahapon kaya siya ubo nang ubo ngayon.
    • Kapag sinasagot and tanong na GAANO
                
      Gaano kalaki ang itinaba ni Ben? Tumaba si Ben nang bahagya.
                Gaano siya katagal nakulong? Nakulong siya nang isang taon.
                Gaano kalayo ang nilakad niya? Naglakad siya nang isang kilometro.
    • Ibang salita sa NOONG (when)
                Nang
      isilang ka sa mundong ito, laking tuwa ng magulang mo.
                Wala na raw pagkain nang dumating ako sa handaan.
    • Ibang salita sa PARA at UPANG
                
      Maligo kang maigi nang bumango-bango ka naman.
                Halina't tumaya sa lotto nang yumaman tayo.
    • Para mas masarap bigkasin ang NA
               
      Puwede na pumasok.
               Puwede nang pumasok.
             
              Ang mamatay na dahil sa'yo.
              Ang mamatay nang dahil sa'yo.
    • Kapag katabi ng salitang MAAGA (early)
              
      Uuwi ako nang maaga bukas.
              Dumating ka nang maaga bukas.
    • d
  7. NG
    • Kapag sinasagot ang tanong na ANO
      Ano ang kinain ni Ben?
                Kumain si Ben ng pansit na malamig
    • kapag PAGMAMAY-ARI (possession)
                
      Mahilig siyang kumain ng talbos ng kamote.
                Nakabingi ang tahol ng aso ng kapitbahay.
                Kabarkada ko ang apo ng lolo ng tita ng kaklase ko.
    • Kapag sinasagot ang tanong na KAILAN
               
      Kailan umuwi si Ben?
                        Umuwi ng umaga (morning) si Ben.
                        Umuwi ng tanghali si Ben.
    • Kapag tunkol sa ORAS at PETSA
               
      Gumigising ako tuwing ikapito ng umaga (7am).
               Sa ikalima ng Disyembre ang kaarawan ko.
               Darating ako bukas ng umaga.
    • Kapag UBOD NG, PUNO NG, SAKSAKAN NG (hitsura)
               
      Ubod ng ganda ng bulaklak na ito.
                Puno ng kasamaan si Celina.
  8. DIN o RIN, DAW o RAW, DITO o RITO
    • Kung natatapos sa A,E,I,O,U at W,Y ang sinusundang salita, ang D ay nagiging R.
                Gusto raw ni Ben ang kalooban ni Allegra.
                Maraming makikilektang kabibe rito
                May kalabaw rin kami sa bukid.
    • Kung di natatapos sa A,E,I,O,U at W,Y ang sinusundang salita, mananatili ng D.
                Ahas daw ang nakita nila sa dagat.
                Nauntog din si Perla sa dingding.
                Maraming mahuhuling hipon dito
    • espesyal na kaso ng din o rin; kung nagtatapos sa RA, RE, RI, RO, RU at RAW, RAY ang naunang salita, D ang gagamitin imbis na R.
                May pari din sa may sementeryo.
                Namalengke si Marie doon.
                Ilang araw daw na malungkot si Ben.
Source ng Balarila http://pcdspo.gov.ph/downloads/WIKApedia_Booklet_2015_ed.pdf

Comments

Popular posts from this blog

Basketball Hand Signals

Uhaw ang Tigang na Lupa- Liwayway A. Arceo

White Dots