Buhay ni Ferdinand Magellan

Ferdinand Magellan

FERDINAND MAGELLAN

BIRTH:FEBRUARY 3 1480
DEATH: APRIL 27, 1521
FULL NAME: Fernão de Magalhães
SPOUSE: Maria Caldera Beatriz Barbosa 
NATIONALITY: Portuguese, Spanish
PARENTS: Rodrigo de Magalhães, Alda de Mesquita

Si Ferdinand Magellan (1480 - 27 Abril 1521) ay isang eksplorador na Portuges nanaglayag para sa Kaharian ng Espanya. Siya ang kauna-unahang nakapaglayag mula sa Europa pakanluran tungo sa Asya, ang unang Europeo na nakatawid ngKaragatang Pasipiko,at angnamuno ng unang ekspedisyon para sa sirkumnabegasyon ng daigdig. Bagaman nasawi siya laban sa pwersa ni Lapu-Lapu sa pulo ng Mactan sa Pilipinas,labinwalo sa kanyang mga tripulante at isang barko ang nakabalik sa Espanya noong 1522, at natupad ang pangarap na paglibot sa buong mundo.

Isinilang si Magellan sa Sabrosa, Portugal noong taong 1480. Pumanaw ang kanyang magulang nung sya ay sampung taong gulang pa lamang. Sa edad na dose, naging pahe siya ng Haring João II at Reyna Eleonora sa kanilang kaharian sa kabisera ng Lisboa, kung saan naroon din ang kanyang kuya. Ito ang naging daan upang malaman niya ang ginagawang mga ekspedisyon ng bansa upang makatuklas ng iba't ibang lugar at mga bagay. Dito rin nya nakilala si Enrique ang taga-sumatra na gagamitin nyang interpreter sa balak nyang pagtuklas sa Maluku (moluccas, spice island). Kasama ang pinsang si Francisco Serrano, ipinagpatuloy ni Magellan ang pag-aaral at nakahiligan ang heograpiya at astronomiya. Tinataya ng ilan na maaaring naging guro niya si Martin Behaim. Sa edad na bente, nagsimulang maglayag si Magellan.

Ikinasal si Magellan kay Maria Caldera Beatriz Barbosa at nagkaroon ng dalawang anak na sina Rodrigo de Magalhães at Carlos de Magalhães na parehong namatay sa batang edad.

PANGALAN NI MAGELLAN

  • Fernão de Magalhães sa Portuges
  • Fernando de Magallanes sa Kastila
  • Ferdinand Magellan sa Ingles

PAMILYA NI MAGELLAN

  • Pedro Rui de Magalhães, isang alkade ng bayan ang kanyang ama
  • Alda de Mesquita - Nanay
  • 2 Kapatid
    • Diogo de Sousa, ipinangalan mula sa kanilang lola
    • Isabel

MAHAHALAGANG PETSA SA BUHAY NI MAGELLAN

1496 naging eskudero o squire si Magellan

1505 inatasan si Magellan na magtungo sa Indiya upang hirangin si Francisco de Almeida bilang birrey or viceroy at magtatag ng mga base militar at pangdagat doon. Napasabak sya sa labanan ng tumangi ang isang lokal na hari na magbayad ng tributo. Nilabanan ito nila Almeida at tuluyang nasakop ang Muslim na lunsod ng Kilwa sa lupaing ngayon ay Tanzania.

Marso 16 1521 narating ni Magellan ang isla ng Homonhon sa Pilipinas, kasama ang 150 tauhan. 

Abril 7 1521 hinatid sila ni Rajah Siaiu ng Mazaua sa Cebu at nakipagpalitan ng handog. Nakipagkaibigan sina Magellan kina Rajah Humabon ng Cebu at kanyang asawa si Juana, at biniyagan silang Kristiyano. Pagkatapos, ay hiniling nina Rajah Humabon at kanyang kaibigan si Datu Zula na patayin ang kanilang kaaway na si Datu Lapu-Lapu ng Mactan. Nais sana ni Magellan na mabinyagan din si Lapu-Lapu, subalit hindi ito pumayag.

Abril 27 1521 naglayag sila Magellan at ang kanyang mga tauhan papuntang Mactan. Sa laban ng Mactan, tinamaan si Magellan ng panang may lason at tuluyan nang napalibutan ng mga tauhan ni Lapu-lapu. Ito ay sinalaysay nina Antonio Pigafetta  at Gines de Mafra  ng mamatay si Magellan.

Resources:

Esguerra, Melvin. "Ang Talambuhay Ni Ferdinand Magellan." Scribd. N.p., 12 Sept. 2013. Web. 06 Aug. 2014.
"TALAMBUHAY NI FERDENAND MAGELLAN." N.p., n.d. Web. 7 Aug. 2014. < http://dc702.4shared.com/doc/LBs5mTnm/preview.html>.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Basketball Hand Signals

Uhaw ang Tigang na Lupa- Liwayway A. Arceo

White Dots