Pagbubuod
Ang buod ay pinaikling salaysay ng isang mahabang babasahin. Ang paraang ito ng pagkuha ng pangunahing diwa ng teksto ay tinatawag na pagbubuod.
Ang pagbubuod ay hindi lamang pagsisipi o pagsasaulo ng mga detalye. Ito ay nangangailangn ng pang-unawa sa nilalaman ng babasahin. Sariling salita ang ginagamit sa pagpapahayag ng pinakamahahalagang kaisipan o detalye ng binasa.
Maaaring gawing pabigkas o pasulat ang pagbibigay ng buod. Ang pagbubuod kung pasulat ay karaniwang isinusulat nang patalata.
Ang pagbibigay- buod ng kuwento ay isang paraan ng pagkuha ng kabuuang diwa at mga detayle nito. Ang bawat detalye ay kailangang ibigay nang sunod -sunod.

May mga hakbang na sinusunod sa pagbubuod:
- Pagbabasa -- Pagbasang may ganap na pagkaunawa sa nilalaman o tinatalakay ng katha ang dapat munang gawin ng isang maglalagom
- Pagpili -- Kasunod ng pagkaunawa sa binasa ay ang pagpili ng pangunahing diwa o kaisipan mula sa orihinal na sipi.
- Pagsulat -- Mula sa mga naitalang mahahalagang taludtod, parirala o pangungusap ay makakalikhang muli ang isang naglalagom.
- Pagpapares -- Ang hakbang na ito ay mahalaga sapagkat sa pamamagitan ng paghahambing o pagpapares ng nilagom at ng orihinal, malaman kung napasimple at napalinaw nang higit o higit pang naging malabo ang pahayag.
Uri ng pagbubuod
- Presis - Maayos at nauunawaang pahayag ng isang orihinal na nagpapanatili sa pangunahing kaisipan, kayarian o balangkas, pananaw ng awtor at nasusulat ayoss sa himig ng orihinal. Sa pangkalahatang tuntunin ito ay 1/3 lamang ng orihinal.
- Hawig - Itinuturing ito ng mga ilang eksperto sa pagsulat, na isang lehitimong uri ng paglalagom. Layunin nito na mapalinaw ang malabong katha. Kinakailangan ang pagiging payak at makabago sa uring ito.
- Halaw - Ito ay maikling lagom ng isang pormal na paglalahad gaya ng abstrak ng isang sulating pananaliksik o tesis ng siyentipikong pag-aaral o anu mang sulating pang-akademiko at legal. Ang haba ng halaw ay ayon sa haba ng orihinal.
- Buod - Ito ay impormal at bai-baitang na pagsasalaysay ng banghay ng mga pangyayari. Hindi isinasama rito ang mga di mahahalagang detalye. Malimit itong ginagamit sa pagsasalaysay ng mga nabasang kwento, nobela, gayundin ang panonood ng sine, dula at iba pa. Maaaring ipasok dito ang sariling pananaw.
Comments
Post a Comment