Elemento ng Kwento

Ang mahahalagang elemento ng kuwento ay ang tagpuan, tauhan at mga pangyayari.
  • Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento. 
    • Ang tauhan nagsasaad kung sino ang gumanap sa kuwento.
  • Ang tagpuan o panahon ay nagsasaad kung saan at kailan nangyari ang kuwento.
  • Ang banghay o pangyayari ay nagsasaad sa mga pangyayari sa kuwento.
    • Ang saglit na kasiglahan naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin
    • Ang suliranin o tunggalian ay ang problemang haharapin ng mga tauhan
    • Ang kasukdulan Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
    • Ang kakalasan ito ay tulay sa wakas
    • Ang pangwakas ito ang resolusyon o kahihitnan ng kwento
  • Ang paksang diwa ang pinaka kaluluwa ng kwento
  • Ang kaisipan ang mensahe ng kwento
Ang mga pangahlip na sino, saan, kailan at ano ay mga tanong na ginagamit upang malaman o masagot ang mahahalagang detalye at elemento

Comments

Popular posts from this blog

Basketball Hand Signals

Uhaw ang Tigang na Lupa- Liwayway A. Arceo

White Dots