Panghalip Pananong

Panghalip Pananong ay isang panghalip na ginagamit sa pagtatanong. Ito ay pamalit sa pangalang itinatanong. Narito ang mga pangalang pinapalitan ng mga panghalip na pananong.

 MGA PANGHALIP PANANONG

  • SINO - ito ay pananong na ginagamit sa ngalan ng tao
    Halimbawa: Sino ang ating panauhin?
    Sino ang await para sa akin?
  • SAAN - ito ay ginagamit upang sagutin ang mga tanong tungkol sa lugar.
    Halimbawa:
    Saan ka pupunta?
    Saan mo gustong tumigil?
  • KAILAN - ito ay ginagamit upang sagutin ang mga tanong tunkol sa oras.
    Halimbawa:
    Kailan ka pupunta a Maynila?
    Kailan natin bibisitahin sina Lolo at lola?
  • ANO -  ito ay ginagamit upang sagutin ang mga tanong tungkol sa bagay o pangyayari.
    Halimbawa:
    Ano ang ginagawa mo?
    Ano ang masasabi sa exhibit?
  • BAKIT - ay ginagamit kung ang itinatanong ay ang dahilan
    Halimbawa:
    Bakit wala ka kahapon?
  • ILAN - ay ginagamit kung ang itinatanong ay ang bilang o dami
    Halimbawa:
    Ilan ang kaibigan mo?
  • PAANO - ay ginagamit kung ang itinatanong ay ang paraan
    Halimbawa:
    Paano ginagawa ang tinapay na ito?

Comments

Popular posts from this blog

Basketball Hand Signals

Uhaw ang Tigang na Lupa- Liwayway A. Arceo

White Dots