Panlapi
Ang panlapi ay isang kataga na ikinakabit sa isang salitang-ugat upang makabuo ng bagong salita.
May ibat’ibang uri ng mga panlapi:
- Unlapi – ang panlapi ay makikita o nakalagay sa unahan ng salitang-ugat.
Halimbawa:
Mag/ma
Mag-aral mahusay
Nag/na
Nagsimula natapos
- Gitlapi ang panlapi ay makikita o nakalagay sa loob ng salita.
Halimbawa:
Um/ in
sumayaw ginawa
- Hulapi ang panlapi ay makikita o nakalagay sa hulihan ng salita.
Halimbawa:
an/ han/in
sabihan tandaan isipin
- Kabilaan -kapag ang isang pares ng panlapi ay makikita o nakalagay sa unahan at ang isa ay nasa hulihan ng salita.
Halimbawa:
mag, an, pa, in ka, an ka, han
mag-awitan, paalisin, kaibigan, kadalagahan
Salitang Maylapi | Salitang Ugat | Panlapi | Uri ng Panlapi |
pasyalan | pasyal | an | hulapi |
mag-aral | aral | mag | unlapi |
tumawa | tawa | um | gitlapi |
binasa | basa | in | gitlapi |
kaibigan | ibig | ka, an | kabilaan |
ginising | gising | in | gitlapi |
nanood | nood | na | unlapi |
nasaan na po ung #7. Katapusan at ung 8. Kadakilaa at #9 kasayahan nawala ah
ReplyDelete