Panahon ng Hapon
Malaki ang impluwensyang nagawa ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas. Hindi lamang sa pamumuhay at pangkabuhayan kundi maging ang panitikan. Noong 1942 ay nagsimula ang pagsibol ng gintong panahon ng maikling kwento. Kinilala si Liwayway A. Arceo at Geneveva Edroza Matute ang kauna-unahang manunulat na babae sa bansa. Nakilala sila dahil sa mga makintal na makafeministang maikling-kwento. MAHAHALAGANG PETSA AT LUGAR SA KASAYSAYAN NG HAPON Disyembre 8, 1942, Nilusob ng Hapon ang Pilipinas sa kadahilanang nasa isalalim ng kolonya ng Estados Unidos ang Pilipinas kaya't sinakop ito ng mga Hapon. Galit ito sa pagbomba ng Amerika sa Hiroshima. Ayon kay Agoncillo (1960) ay magkasabay na sinalakay ng Hapon ang Apari, Davao, Baguio, Tarlac at Maynila. Abril 9, 1942, Bumagsak sa kamay ng mga Hapon ang Bataan. At ang mga bilanggo ng digmaan ay pinaglakad ng mga Hapones (tinatawag na Martsa ng Kamatayan ) papunta sa isang kampo ng konsentrasyon sa Capas sa lalawigan ng ...