"Hay Life parang buhay"

"Hay life parang buhay" yan ang expression ko sa sarili tuwing meron akong problemang hinaharap. Lalo na pag wala ako magawa sa sitwasyon ko sa problema. Minsan sabihin ng iba ako'y napakasaya parang walang problema sa buhay. Laging naka ngiti at tumatawa daw ako. Bihira nila ako makitang naka simangot o umiiyak. Ang di nila alam nagagawa kong tumawa, ngumiti dahil sa expression ko. Bakit kamo? Ito ang nag sasabi sakin na di perfecto ang buhay ng tao. Minsan tayo ay iiyak o mamomoblema, minsan naman tayo ay tatawa o masaya.

Ang "hay life" para sakin ito ay sumisimbolo sa buhay na dinadanas o tinatahak ko ngaun. At ang "parang buhay ay sumisimbolo naman sa normal na buhay ng isang tao na napapanood natin sa mga TV, kung saan marami silang na dadanasang pasakit o hirap bago nila makamtam ang gusto nila.

Ang problema ay di natin maiiwasan, kusa itong dadating sa buhay natin. Simple man o malaki dapat tandaan natin na hindi binigay satin ang isang problema kung di natin ito kayang lusutan.


Comments

Popular posts from this blog

Basketball Hand Signals

Uhaw ang Tigang na Lupa- Liwayway A. Arceo

White Dots