Kabuhayan noong panahon ng Kastila
Pinakilala ng mga kastila ang sistemang pamilihan. Ang sistemang pamilihan ay ang pagtatakda ng presyo sa isang bagay o pagkain. Ang sistema ay nagmula sa simpleng sistema ng pagpapalitan ng kalakalan hangang sa napalitan ito ng bagong sistemang ipinakilala ng mga Kastila sa ating mga ninuno noong 1521. At ito ay tinawag na sistemang barter. Dahil sa hindi husto ang kaalaman at hindi nakapag-aral ang mga Filipino noong panahon ng Kastila, nakaranas ng pag-aaubuso at diskriminasyon. Binigyang pabor ng mga Kastila ang mga tao na nagbibigay sa kanila ng benepisyo tulad na lamang ng mga Tsino sapagka't mas malaki ang buwis na kanilang binayaran. Nagkaroon din ng klasipikasyon sa estado ng tao noong panahon ng Kastila. Ang mga Pilipino ay tinawag na indio samantalang mestizo ang mga Pilipinong ang ama ay Tsino at ang ina ay Pilipino. Kung may kabutihan na naidulot ang mga Kastila sa ekonomiya ng Pilipinas, mayroon ding mga suliraning dulot ang sistemang ipinakilala ng mga Kastila.
Comments
Post a Comment