Paaralan
Ang paaralan ang pangalawang tahanan ng mga batang mag-aaral.
Dapat pumasok sa paaralan upang lumaking matalino ang mga mag-aaral.
Kailangang magsikap sa pag-aaral para matupad ang mga pangarap
Dapat igalang, mahalin, at pangalagaan ang ating paaralan.
Dapat pumasok sa paaralan upang lumaking matalino ang mga mag-aaral.
Kailangang magsikap sa pag-aaral para matupad ang mga pangarap
Dapat igalang, mahalin, at pangalagaan ang ating paaralan.
NANGANGALAGA SA PAARALAN
- Direktor o Prinsipal - ang namumuno sa paaralan.
- Guro - tumatayong pangalawang magulang. Sila ang tumutlong at sumusubaybay upang mapaunlad ang kakayahan ng mga bata. Sila ay tunay na masipag at matiyagang magturo. Nagtuturo sya sa mga batang bumasa at sumulat
- Guidance Counselor - siya ang dapat lapitan kung may problema.
- Doktor at School Nurse - kapag ikaw ay may sugat o di kaya'y nagasgasan ang balat, sa klinika mo sila makikita at ikaw ay gagamutin. Ang doktor ang gumagamot sa mga batang maysakit.
- Guwardya - siya ay mahigpit pagdating sa pagdisiplina. Siya ang nagbabantay sa paaralan.
PARTE NG PAARALAN
- Silid-Aralan - dito nag-aaral ang mga batang bumasa, sumulat, at bumilang.
- Tanggapan ng punungguro - ito ay ginagawang lugar ng pagpupulong ng mga bisita, guro, at magulang.
- Silid-Aklatan - ito ang dapat puntahan kung mayroong impormasyong nais malaman. Marami ritong aklat ng mga babasahin na makatutulong sa anumang tanong na nais sagutin
- Kantina - dito pumupunta ang mga bata sa oras ng recess. Dito inihahanda ang mga pagkaing bukod sa mura ay masustansya pa.
- Klinika - dito ay may upuan, kama, at mga gamot na matatagpuan. May dentista, doktor, at nurse na handa tayong tulungan, sa oras ng ating di inaasahang karamdaman.
- Palaruan - dito mayroong slide, see-saw at duyan. Pagkatapos ng klase, doon ang takbuhan ng mga batang gustong maglibang.
Source:
Pilipinas bansa natn kinder 2
Author: Marina N. Tawag
Comments
Post a Comment