Pamayanan


Ang pamayanan ay binubuo ng mga mag-anak na Pilipino. Dito sila nakatira at namamalagi. Ang pamayanan ay ang mga sumusunod
  1. Pansakahan  - ang mga tao ay nakatira sa bukid at taniman. Karamihan dito ay mga magsasaka. Ito ang pangunahing hanapbuhay nila. 
  2. Pangisdaan - ang pamayanang ito ay nasa tabi ng mga ilog at lawa. Ang pangunahing hanapbuhay rito'y pangingisda. 
  3. Rural - may ilang gusali at sasakyan, ngunit hindi kasindami ng nasa pamayanang urban.
  4. Urban  - dito makikita ang malalaking gusali at maraming sasakyan. Mga malalaking tindahan at pamilihan. Ang buhay rito ay higit na maunlad kaysa sa lalawigan. Mga malalaking negosyo ay dito rin matatagpuan. 

SINO-SINO ANG NAKATIRA SA PAMAYANAN?

  1. Magsasaka - Sila ang nagtatanim ng palay, gulay, at halaman. 
  2. Mangingisda - ang humuhuli ng isda, pusit, hipon at alimasag. Gayundin ng iba pang produkto galing sa tubigan. 
  3. Mananahi - ang nanahi ng kasuotan ng mag-anak na Pilipino
    1. Sastre - ang nanahi ng damit panlalaki
    2. Modista - nanahi ng damit pambabae
  4. Guro - ay nasa paaralan. Sila ang nagtuturong bumasa, sumulat, at bumilang sa mga bata. 
  5. Pulis at Barangay Tanod - tumutulong sila upang mapanatiling tahimik ang ating pamayanan. Sila ang humuhuli ng mga taong gumagawa ng kasamaan sa ating lipunan
  6. Tubero - nagkakabit at nag-aayos ng mga sirang tubo upang tayo ay magkaroon ng tubig sa ating mga tahanan.
  7. Doktor at Nars - sila ay magkatulong sa panggamot ng mga maysakit. Sila ang tumutulong upang tayo ay magkaroon ng malakas at malusog na pangangatawan.
  8. Bumbero - Sila ang pumapatay sa apoy upang maligtas ang bahay at kagamitan sa sunog, lagi silang handang dumamay sa lahat ng tao. 
  9. Dentista - ang nangangalaga ng ating mga ngipin. Inaayos niya ang pagtubo ng ating mga ngipin. Para maging matibay at gumanda sa paningin.
  10. Tsuper - kahit saang lugar, ikaw ay kanyang dadalhin. Sa pagmamaneho, siya'y maagap at talagang mahinahon 

TRANSPORTASYON SA PAMAYANA

  1. Bisikleta - kalimitang nakikitang gamit ng mga bata. Kung malapit lang ang pupuntahan, minam na ito ang sakyan. 
  2. Traysikel - kalimitang makikita sa mga palengke at babaan ng bus o dyip. Karaniwan naman itong sinasakyan sa maliliit na bayan.
  3. Bus - ay madalas na nakikita sa malalaking kalsada. Kalimitan sa maluluwag na daan ng Maynila at EDSA. Ito rin ang bumibiyahe sa mga malalapit na probinsya.
  4. Dyip - madalas nating sakyan. Lalo na kung ang ating pupuntahan ay sa karatig-bayan.
  5. Kotse - isang pribadong at pampamilyang sasakyan.
  6. Tren - MRT (Metro Rail Transit) at LRT (Light Rail Transit)
  7. Barko - sasakyang pandagat. Ito ang sasakyan ng mga minero.
  8. Eroplano - isang uri ng sasakyang panghimpapawid. Ito ang sasakyang ginagamit papunta ng ibang bansa. 

MGA BABALA SA DAAN O BATAS TRAPIKO

  1. Ilaw Trapiko
    1. Pula -  ang sasakyan ay dapat huminto na
    2. Dilaw - ang sasakyan ay dapat maghanda na sa pag hinto
    3. Berde - ang sasakyan ay dapat patakbuhin na
  2. No Praking Sign - ang sasakyan ay huwag iparada rito
  3. Pedestrian Lane - bagalan ang takbo ng mga sasakyan
  4. Crossing Sign - pag nakita ito, alalay ka lang sa sasakyan mo.
  5. Bus Stop - dito ang babaan at sakayan ng bus

Source:
Pilipinas bansa natn kinder 2
Author: Marina N. Tawag

Comments

Popular posts from this blog

Basketball Hand Signals

Uhaw ang Tigang na Lupa- Liwayway A. Arceo

White Dots